Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonz Llander Are DayDreamer Babies Global Excellence Leadership Awards 2025

Direk Tonz Llander Are at DayDreamer Babies niya, pinarangalan sa Global Excellence Leadership Awards 2025

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYANG-MASAYA ang award-winning aktor, direktor at talent manager na si Tonz Llander Are sa nakamit nilang awards ng kanyang mga alaga sa nagdaang Global Excellence Leadership Awards 2025 na ginanap last August 10 sa Admiral Hotel Manila

Ginawaran dito si Direk Tonz ng Outstanding Movie Actor and Film Director of the Year. Ang mga talent naman niya na pinarangalan ay sina Nicolle Ulang – Most Promising Singer/Actress, Prince Rae Dantes – Most Promising Actor, Shaira Hernandez – Most Promising Director of Photography, at sina Cyper & Cyline Tabares para sa karangalang Most Promising Singer/Actress.

Ang DayDreamer Entertainment Production ay ginawaran din ng Most Outstanding Production of the Year. Kasama nila sa nasabing award’s night sina Gabriel Tabares at Jerome Francisco.

Nagpahayag ng labis na kagalakan si Direk Tonz sa natamong pagkilala,

Aniya, “Ang masasabi ko sa awards na iginawad po sa amin, sobrang saya and thankful kasi nakita nila iyong efforts ng production para sa mga bata. Lalo na sa mga aspiring actors na mga na-discover ko, blessings sa DayDreamer Entertainment Production itong award at sa mga alaga ko.

“Maraming salamat sa Global Excellence Leadership Awards sa recognition, lalo na po kay mam Liza Flores, ang founder-CEO nito,” masayang pahayag pa ni Direk Tonz.

Incidentally, abangan si Tonz, this time bilang aktor naman sa bagong sitcom na pinamagatang ‘Wais at Eng-Eng’ na tinatampukan nina John Estrada, Long Mejia, at Kim Rodriguez.  

Kasama rin dito sina Jorel Ramirez, King Gutierrez, Leo Bruno, Isabella Ortega, Queenzy Sembrano, Relly Jose Jr., at Zach Bederi. Ito ay mapapanood tuwing Sabado sa Puregold Channel, sa direksiyon ni Ricky Victoria.

 -30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …