MATABIL
ni John Fontanilla
ESPESYAL para kay Heaven Peralejo ang maging ambassador ng Playtime at makasama ang host/comedian na si Vic Sotto.
Ayon nga kay Heaven, “This one is so special to me, kasi ang Playtime for me hindi lang ito platform, it’s a community were we can connect, collaborate, celebrate and enjoy together.
” And siyempre marami pa po tayong aabangan, na mga exciting feature, mga content, mga collaboration and many ways to play and to win and to play happiness online.”
Dagdag pa ng aktres, ”At siyempre sa mga user natin, wala po kami rito kung hindi sa inyo, kayo po ang heartbeat mg platform na ito, and I’m so excited to grow and enjoy it with you guys.
“Together let’s make every moment a PlayTime memorable.”
Isang malaking karangalan para kay Heaven ang makasama si Vic.
“Siyempre honored po ako, grabe bata pa lang po ako bossing Vic na siya , and so it’s a dream of mine to work with him and now I’m part of this family, nakatutuwa po, nakatataba ng puso.”
Nang tanungin kung na-meet na ni Heaven si Vic, sagot nito, “Naku hindi pa nga po, siguro nextime kapag nag-promote tayo for this, so mga next ganap makakasama na natin siya.”
At isa raw sa bucketlist ni Heaven na makatrabaho si Bossing Vic.
“Yes of course! Sana po, pinanood ko lahat ng movies niya noong bata pa ako. Pero sana, sana, si Boss Vic (Del Rosario) nakikinig sa atin, ibibigay ko ‘yung 100% ko ‘di ba boss Vic? Suwerte talaga ako sa mga boss Vic,” wika pa ni Heaven.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com