Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Raval MAMAY A Journey to Greatness

Jeric Raval bumilang ng maraming taon bago na-nominate sa FAMAS

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA at nagulat ang action star na si Jeric Raval nang malamang nominado  bilang  Best Supporting Actor sa FAMAS para sa mahusay na pagganap sa pelikulang  tungkol sa buhay ni Nunungan Lanao Del Norte Mayor Marcos Mamay, ang MAMAY: A Journey to Greatness na idinirehe ni Neil Buboy Tan.

“Noong makalawa ko nalaman na nominado ako kasi ilang taon na akong artista ngayon lang ako na-nominate. So, happy naman ako at napili ako ng FAMAS, sana manalo ako,” ani Jeric.

Naging palaisipan din kay Jeric na sa Best Supporting Actor siya na-nominate gayong siya ang lead actor ng pelikula.

“Natanong ko rin ‘yan. Tinanong ko rin sila (Mayor Mamay), kasi marami kaming artista riyan na gumanap na Mayor Mamay, mayroong batang Jeric tapos may  isa pang Jeric. So ‘yun, pero okey na rin nagpapasalamat ako nominated akong best supporting.

“Kanina nga sinabi ko sa anak ko na siguro next time best actor naman,” nakangiting biro ni Jeric.

Ayon pa kay Jeric nakakadagdag pogi points, respeto, at nakakalaki ng pagiging artista kapag na-nominate ka sa mga award giving bodies.

“’Yung respeto rin  sa iyo nadaragdagan. Importante talaga ‘yun.” 

Siyam pa ang nakuhang nominasyon ng kanilang pelikula tulad ng Best Picture, Best Actress (Ara Mina), Best Director (Neal Buboy Tan), Best Screenplay, Best Production Design, Best Cinematography, Best Musical Score, Best Sound, at Best Song.

Gaganapin ang pagbibigay parangal sa August 22 sa Manila Hotel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez Batang Paco

Empoy ibinuking ni Ai Ai may dyowang non-showbiz

MATABILni John Fontanilla IBINUKO ni Ai Ai delas Alas ang co-actor niya sa pelikulang Batang Paco na si Empoy Marquez na …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …