Thursday , June 18 2026
Innervoices

InnerVoices magpe-perform sa 37th Star Awards for TV

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPAKAGANDA ng bagong awitin ng grupong InnerVoices, ang I Will Wait for you in the Rain na isa sa  kinanta nila sa kanilang jampacked gig sa Aromata Bar, Sct. Lazcano, Tomas Morato, QC. last  Aug 15 na naimbitahan kami ng kanilang leader na si Atty. Rey Bergado.

Ang Innervoives ay binubuo nina Patrick Marcelino, Joseph Cruz , Joseph Esparrago, Alvin Hebron, at Rene Tecson.

Nag-enjoy nang husto ang lahat sa kanilang  80s, 90s, at OPMs songs na nagpakanta at nagpasayaw sa mga taong naroroon.

Ang mga orihinal na awitin ng InnerVoices ay puwede nang i-download sa lahat ng streaming app. Katulad ng Meant To Be na usinulat ni Atty. Rey at ang nakaiindak na awiting Galaw Galawna hit sa Tiktok at sinasayaw ng marami, Idlip, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.

At sa August. 24 ay isa ang InnerVoives sa magpe-perform sa PMPC 37th Star Awards for TV along with Jed Madel, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, at Christian Bautista na gaganapin sa VS Hotel sa QC.

At para sa iba pang schedules ng mga gig ng InnerVoices,  bisitahin lang ang kanilang FB Page.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

WCEJA Emma Cordero

Showbiz stars, leaders, pilantropo, at trailblazers, pararangalan sa 10th World Class Excellence Japan Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PARARANGALAN ang mga natatanging personalidad mula sa entertainment, public service, …

Camille Velasco

Camille Velasco isa sa aabangan sa Star Reignited Concert

MATABILni John Fontanilla ISA sa aabangan sa reunion concert ng Metropop winners via Stars Reignited na hatid …

Patricia Javier Imagine Me Without You

Patricia’s Imagine Me Without You music video labas na sa Youtube 

MATABILni John Fontanilla LABAS na ang Music Video ng awiting Imagine Me Without You ni Patricia Javier sa Viva YouTube …

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …