Thursday , June 4 2026
Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN

PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang kaniyang  kautusan na nagpapatupad ng balasahan na kinabibilangan ng pagpalit sa No. 2 top honcho ng pulisya.

Sa flag-raising ceremony sa Kampo Crame kahapon ng umaga, ipinakilala ni Torre ang kaniyang command group sa pangunguna ni P/LtGen. Bernard Banac bilang The Deputy Chief PNP for Administration.

Ipinakilala rin si P/LtGen. Edgar Allan Okubo bilang Deputy Chief PNP for Operations at PMGen. Neri Ignacio bilang “The Chief of the PNP Directorial Staff”.

Magugunita na nitong 6 Agosto, pinagpalit sa puwesto sina Banac at PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., bilang No. 2 man sa PNP pati sa Area Police Command – Western Mindanao.

Kasama sa balasahan ang re-assignment sa 11 opisyal ng PNP na kinontra ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Iginiit ng PNP Chief sa kaniyang talumpati ang pagkakaisa ng buong hanay ng pulisya sa kabila ng mga hamon na kanilang kinaharap nitong mga nagdaang araw.

Samantala, naniniwala si Torre na natuldukan na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila at ng NAPOLCOM kaugnay sa ipinatupad na balasahan sa matataas na opsiyal ng PNP na kinontra ng huli batay sa inilabas nitong resolusyon.

Sinabi ni Torre na gaya ng isang pamilya, normal lamang ang pagkakaroon ng misunderstanding sa pagitan ng magkakapatid ngunit sa bandang huli ay  nauuwi rin sa pagkakasundo.

Samantala, hindi kinompirma o itinanggi ni Torre kung namagitan dito si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., at sa halip ay ipinaubaya na niya sa Palasyo ang pagsagot.

Ang importante aniya, “moving forward” at kanila nang haharapin ang iba pang mga usapin.

Sa ngayon, mananatili sa puwesto ang opisyal na sakop ng huling balasahan kasama si Banac na bagong No. 2 man ng PNP

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …