Thursday , June 4 2026
Atasha Muhlach R-Boney Gabriel Maine Mendoza

Atasha, R-Boney, Maine iniintriga 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MULI na namang hindi napapanood sa Eat Bulaga! sina Atasha Muhlach at R-Boney Gabriel.

Pagkatapos ngang magdiwang ng 46th anniversary ang show na masaya pang nakipag-Dabarkads ang dalawa, ay bigla namang hindi sila nasilayan muli.

Ayon sa aming napagtanungan, may mga kailangan pa palang tapusin si Atasha para sa Viva One series niyang Bad Genius, habang ang Miss Universe na si R’Boney ay bumalik muna  sa USA para sa ilang mahahalagang dokumento na inaayos.

Kaya sa mga nagpapakalat na naman g tsismis at intriga na nagtuturo na sa pagiging maldita umano ni Maine Mendoza, magtigil po kayo dahil walang katotohanan ang mga lumabas na blind item.

Kumalat kasi na nagmamaldita raw si Menggay sa mga magagandang co-host dahil naiinggit ito at ayaw nitong nasasapawan.

Nandiyan na ang “insecurity item” lalo’t kalat na kalat na ang pagkaka-link ni Atasha kay Jacob Ang, ang anak ng mega-bilyonaryong si Ramon Ang ng San Miguel Corp at group of companies nito. Habang ang humuhusay naman at higit na gumagandang exposure raw ng 2022 Miss Universe na R’Boney ang tila nagbibigay ng pangamba kay Maine?

Luh, may ganyang tsismis at intriga talaga?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …