RATED R
ni Rommel Gonzales
KINAGILIWAN ng mga netizen ang bagong Station ID ng GMA Network na inilunsad para sa 75th anniversary nito, ang Forever One With the Filipino.
Makikita sa video ang mga bigating Kapuso stars tulad nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Alden Richards, Jessica Soho, Michael V, Mel Tiangco, Heart Evangelista, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Kasama ang iba pang Kapuso artists, nagbigay pasasalamat sila sa walang sawang pagsuporta ng kanilang fans.
Lubos ang pagbati at tuwa ng mga Kapuso audience sa bagong station ID ng GMA.
“Happy 75th Anniversary, GMA Network! Isa kayo sa mga standard na matatawag mula noon hanggang ngayon. [M]ananatiling Kapuso para sa Filipino,” sabi ng isang fan.
Dagdag naman ng isa, “Hindi ko talaga ma-explain bakit everytime makita ko mga station ID ng GMA naiiyak ako. Baka kasi dahil sa ramdam ko ang pagka sincere nila. Kahit nga yung opening ng Station ID bago mag Unang Hirit naiiyak ako. Forever Kapuso.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com