Thursday , June 4 2026
Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid at Bea haharapin halimaw ng mga sarili

INIHAHANDOG  ng Viva Films at Evolve Studios ang pinakaunang full-length film ni Nikolas Red, kasama ang kapatid na si Mikhail Red bilang creative producer sa pelikulang Posthouse.

Pagbibidihan  ito nina Sid Lucero at Bea Binene, ang Posthouse ay isang psychological horror na umiikot sa isang misteryosong lumang pelikula na sa halip na magdala ng aliw, magpapalaya ng isang nakakikilabot na puwersa.

Istorya ito ni Cyril (Sid),  isang film editor na bumalik sa posthouse na itinayo ng kanyang tatay para ayusin ang isang lumang silent film — Ang Manananggal. Kasama niya ang anak niyang si Rea, (Bea) isang film student. 

Sa kalagitnaan ng pag-aayos ay napansin nilang may nawawalang bahagi sa pelikula. Pero hindi lang ‘yon basta pelikula—dahil sa likod nito, may halimaw na matagal nang natutulog.

Habang binubuo nila ang pelikula, nagsisimula na ring magparamdam ang kababalaghan. Isa-isa, may mga nangyayaring hindi maipaliwanag. At sa paghahanap nila sa nawawalang reel, kailangan na ring harapin ni Cyril ang madilim na nakaraan ng pamilya nila—at ang halimaw na minsan na niyang nakita.

Sa katatapos na media conference ng Posthouse ay ibinahagi nina Bea at Sid ang kanilang karanasan sa paggawa ng kakaibang horror movie.

We would like to thank Viva Films for giving us the opportunity to be part of these different kind of horror film. What I like most in this movie is, it’s a film within the film,” pahayag ni Bea

Working with Bea as my daughter in this film is a wonderful experience. Ang galing niya rito,” papuri ni Sid kay Bea.

This is my debut film., nakatulong na magagaling na actors ang idinidirehe ko sa aking first movie para mas maging maganda ang kalalabasan nito,” natutuwang sambit naman ni direk Nicolas.

Bukod kina Sid at Bea, makakasama rin sina Ryza Cenon, Rafa Siguion Reyna, at Andrea del Rosario.

Simula August 20, abangan ang Posthouse sa mga sinehan. Dito, hindi lang halimaw sa pelikula ang haharapin nila—kundi pati ang mga halimaw na dala-dala nila sa sarili nila. (Allan Sancon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …