Thursday , June 4 2026
Cecille Bravo Ang Aking Mga Anak

Philantropist/businesswoman Cecille Bravo naiyak, kinabahan sa unang pag-arte 

ISA ang philantrophist at celebrity businesswoman na si Cecille Bravo sa cast ng advocacy film na Ang Aking  Mga Anak mula sa DreamGo Productions. Gumaganap siya rito bilang si aling Asaph.

Hindi ito ang unang pelikula na ginawa ni tita Cecille.

Actually, hindi first, pero kung tutuusin, parang ito ‘yung first, kasi nandoon ‘yung challenge at saka  medyo mahaba-haba ‘yung dialogue ko,” sabi ni tita Cecille nang makausap namin bago magsimula ang advance screening ng Ang Aking Mga Anak.

Pagpapatuloy niya, “Kanina, medyo kabado ako, naiiyak ako, kasi hindi ko rin alam kung paano akong tatanggapin ng mga manonood (bilang isang baguhang artista). Na baka sabihin sa akin, bakit naman ipinasok mo pa ‘yan?”

In fairness naman kay tita Cecille, noong napanood namin ang Ang Aking Mga Anak, ay pasado siya bilang isang baguhan, nakaarte naman siya ng tama. At natural ang akting na ipinakita niya sa pelikula. Hindi mo nga iisipin na baguhan pa lang siya sa larangan ng pag-arte.

Sabi nga ni tita Cecille, ibinigay naman niya ang best niya.

“I really try my best. Lagi naman po. In everything I do ‘yun naman ang ginagawa ko,” aniya pa.

Pero kahit gumagawa na ng pelikula at nag-i-enjoy naman si  tita Cecille, hindi pa rin  niya masasabi na tuloy-tuloy na ang kanyang pag-aartista.

Katwiran niya, “There are things na dapat tanggapin ko, not for me.”

Ang Ang Aking Mga Anak ay mula sa direksiyon ni Direk Jun Miguel. Ang mga batang bida sa pelikula ay sina Jace Fierre as Gabriel, Juharra Zhianne Asayo bilang Julia, Alejandra Cortez as Pauline, Madisen Go as Heaven and Candice Ayesha  as Sarah.

Kasama rin sa pelikula sina Hiro Magalona, Klinton Start, Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dano, Ralph dela Paz, Art Halili, Andrea Go, at Sarah Javier.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …