Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kaila Estrada Sante BarleyMax

Kaila suportado bagong panahon ng youth wellness 

EXCITED ang lifestyle and wellness brand  na Santé sa opisyal na paglulunsad kay Kaila Estrada bilang pinaka-bagong mukha ng Santé BarleyMax, na makakasama niya ang impressive roster of ambassadors ng Santé na sina Kim Atienza, Vic Sotto, at Vice Ganda

Ang Star Magic artist na kilala sa husay sa paganap ang kukompleto sa line-up ng #LiveForMore ambassadors ng Santé.

Sa pagdiriwang ng Santé ng ika-18 anibersaryo, sinasalubong ng brand si Kaila para ikalat ang mensahe ng kalusugan para sa batang henerasyon — pagpapatunay na wala sa edad ang pag-aalaga sa sarili.

Kilala si Kaila para sa topnotch performances niya sa mga top-trending na serye gaya ng Viral Scandal, Linlang, at Can’t Buy Me Love, pati na rin ng current hit na Incognito na mapapanood siya sa maiinit at maaksiyong mga eksena — kaya naman nakuha niya ang puwesto sa industriya.

Sa mga interviews at features, makikita ang dedikasyon ni Kaila pati na rin ang sipag sal mga ginagawa para sa balanseng pamumuhay.

Kaya naman bahagi na siya ng pamilya ng Santé sa pagpo-promote ng malusog na lifestyle.

Ang Santé BarleyMax ay isang leading health supplement na gawa sa certified organic barley grass powder mula sa New Zealand.

Layunin nito na ma-inspire ang bagong henerasyon ng consumers na mas lalong alagaan ang kanilang mga katawan.

At ngayong si Kaila na ang mukha ng brand na umaasa na makakonekta sa mas batang merkado upang maikalat ang kahalagahan ng kalusugan sa gitna ng kanilang busy schedules at upang patunayan na mainam na maaga silang mag-invest sa well-being. 

Alam na ng batang henerasyon ang impormasyon na isa dapat ang holistic wellness sa kanilang mga pangunahing layunin sa buhay.

I’m incredibly honored to join the Santé family alongside such respected personalities gaya nina Kuya Kim Atienza, Bossing Vic Sotto, at Meme Vice Ganda,” sabi ng kalulunsad lamang na brand ambassador. 

Dagdag pa ni Kaila, “It’s amazing to be part of a brand that’s committed to helping people live healthier lives, no matter their age. Para sa akin, this is about owning my life, my body, and my goals. Maingat din ako with what I endorse, because I believe in taking care not only of my name but also in my responsibility to those who support me. Kaya naman honored ako to say yes to Santé.”

Kinakatawan ni Kaila ang modern, empowered woman —independent, driven, at conscious sa kanyang well-being. 

Nauunawaan niya ang kahalagahan ng kalusugan at kinabukasan kaya naman perfect fit siya para sa brand. 

Isang tingin lamang sa kanya ay sapat na para ma-appreciate ‘di lamang ang kanyang kagandahan ngunit pati na rin ang kanyang tahimik na kompiyansa sa pag-aalaga sa sarili. 

At para sa batang henerasyon, healthy is not just the new sexy — it’s the new wealthy.

I take care of my health because it is my real wealth,” pagpapatuloy ni Kaila. “As I try to maximize the opportunities being given to me, I also try to stay committed to staying healthy and encouraging other young adults to do the same. We need to start making health a priority hangga’t maaga pa lang. We need to commit to doing things our future selves will be grateful for. Gaya ng pag-inom ng barley,” sabi pa ni Kaila. 

Araw-araw ko itong iniinom tuwing umaga on an empty stomach para sa mas mahusay na nutrient absorption.”

At gaya ni Kaila, maaari nang ma-enjoy ng lahat ang key benefits ng Santé Barley Max gaya ng: Better sleep and relaxation as it helps individuals achieve a more restful sleep; Proper nutrition support to help fill nutritional gaps and support daily wellness needs — even on the busiest days; Fun and wellness balance as it helps maintain a balance between enjoying life and staying healthy; at Cleansing and detoxification as it aids in detoxifying the body, even with the occasional alcohol and caffeine consumption.

Mabibili ang Santé BarleyMax sa lahat ng mga pangunahing drugstores sa buong bansa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …