Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Merchant Marine School PMMS
PINANGUNAHAN ni Juan Nolasco III, Pangulo ng PMMS, ang pagdiriwang ng Philippine Merchant Marine School (PMMS) ng kanilang ika-75 founding anniversary sa pagdaraos ng Banal na Misa ng pasasalamat, pagbibigay parangal, folk dance competition, at battle of the bands sa hanay ng mga estudyante. (EJ DREW)

Sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatag
PMMS nag-aalok ng scholarship sa anak ng pulis na nais mag-seaman

IPINAGDIWANG ng Philippine Merchant Marine School (PMMS) ang kanilang ika-75 founding anniversary sa pamamagitan ng isang masayang pasasalamat  na sinimulan sa pagdaraos ng Banal na Misa, pagkakaroon ng president ice cream blowout, pagbibigay parangal, folk dance competition, at battle of the bands sa mga estudyante.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Juan Nolasco III, ang Pangulo ng PMMS.

Ayon kay Nolasco, laking pasasalamat nila sa Panginoon dahil patuloy ang paglago ng kanilang paaralan sa kabila ng mga hamon sa buhay.

Magugunitang minsang dumanas ng dagok ang naturang paaralan nang mayroong nagtangkang umangkin rito sa kabila na ang founder nito ay ang lolo ng pamilya ni Nolasco ngunit sa huli ay naipanalo sa korte hanggang mabawi ang kontrol dito upang lalo pang palaguin.

Aminado si Nolasco na hindi madali ang magpatakbo ng isang paaralan lalo na’t mayroon pa silang isang branch sa Maynila ngunit dahil sa patuloy na suporta at tiwala sa kanila ng bawat mag-aaral at mga magulang ay patuloy na tumatatag ang institusyon.

Ibinunyag ni Nolasco na kailangan nilang sumunod sa patakaran ng Commission on Higher Education (CHED) na 80 porsiyento ng kabuuang nagtapos na Marino sa kanilang paaralan ay dapat makasakay sa barko o makapasok sa trabaho sa loob nang isang taon.

Kaya nagpapasalamat si Nolasco sa mga Maritime at Shipping companies na patuloy nilang ka-partner at nagtitiwala sa bawat mag-aaral na naging produkto nila.

Naniniwala si Nolasco na bagamat wala silang masyadong advertisement, ay nanatili ang pagkilala sa kanila dahil sa word of mouth na ikinukuwento ng isang nagtapos na mag-aaral sa kanyang kaibigan o kapitbahay. Ito ang nagiging dahilan upang lalo pang dumami at tumaas ang kanilang enrollees kada taon.

Bilang pasasalamat, inihayag ni Nolasco na handa ang kanilang paaralan na makipagtulungan sa pulisya sa pamamagitan ng scholarship para sa mga anak ng pulis.

Ang PMMS ay mananatiling school for nautical science na kasalukuyang nag-aalok ng mga kursong Bachelor of Science in Marine Transportation, Bachelor of Science in Maritime Engineering, Bachelor of Science in Customs Administration, Bachelor of Science in Hospitality Management, Bachelor of Science in Tourism Management, Bachelor of Science in Office Administration, at Bachelor of Science in Entrepreneurship at Senior High School Program.

Hindi naitago ni Nolasco ang pagmamalaki na palaging nasasama sa mga topnotchers sa customs examination ang kanilang mga mag-aaral.

Naipagmalaki ni Nolasco na ang iba nilang mga guro ay produkto ng kanilang paaralan, ilan sa kanila ay sumakay muna nang ilang beses o kumuha muna ng karanasan at sa huli ay piniling magturo upang higit na maibahagi ang katotohanan ng buhay ng isang marino o nagtatrabaho sa karagatan sa kanilang mga estudyante. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …