Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF Vice Ganda Nadine Lustre Piolo Pascual Gerald Anderson

Vice, Nadine, Piolo, Gerald pasok sa MMFF 2025

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TILA Grand Finals ng PBB Celebrity Collab Edition ang naganap na announcement ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 noong Martes, July 8 sa Glorietta Mall Activity Center dahil dumagundong ang venue sa paglabas ni Big Winner Brent Manalo at mga kapwa housemate na sina Esnyr, River Joseph, at Ralph de Leon.

Hindi nga magkamayaw ang fans na nagtungo sa Glorietta kahit napakalakas ng ulan ng hapong iyon na inihayag ang unang apat na pelikulang maglalaban-laban sa pinakaaabangang MMFF sa December.

Nagsilbing host ng event sina Enchong Dee at Kaladkaren na nakadagdag-ningning sa hapong iyon.

Present din si MMFF Executive Committee at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes, Makati Mayor Nancy Binay, at Jesse Ejercito.

Pasok sa Top four ang pelikulang Call Me Mother na magtatanpok kina Vice Ganda at Nadine Lustre. Ito ay mula sa ABS-CBN Studios at IdeaFirst Company na ididirehe ni Jun Robles Lana.

Kasama rin ang pelikulang Rekonek na pagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Gloria Diaz, at Gerald Anderson. Si Jade Castro ang magdidirehe at handog ng Reality MM Studios.

At sa ikatlong pagkakataon, muling nakapasok ang pagbibidahan na namang pelikula ni Piolo Pascual na nagbida noong MMFF 2023 sa Mallari at The Kingdom noong MMFF 2024. Ngayong taon, pangungunahan niya ang pelikulang Manila’s Finest na ididirehe ni Rae Red mula Cignal TV.

Ikaapat na inanunsiyo ang horror movie na Shake, Rattle & Roll Evil Origins ng Regal Entertainment. Pagbibidahan ito nina Manilyn Reynes, Ivana Alawi, Fyang Smith, Richard Gutierrez, Ryan Bang, Carla Abellana, Lisa Andalio, Francine Diaz, Seth Fedelin, Ashley Ortega, Dustin Yu at marami pang iba. Ididire  nina Shugo Praico, Joey de Guzman, at Gina Marissa Tagasa.TILA Grand Finals ng PBB Celebrity Collab Edition ang naganap na announcement ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 noong Martes, July 8 sa Glorietta Mall Activity Center dahil dumagundong ang venue sa paglabas ni Big Winner Brent Manalo at mga kapwa housemate na sina Esnyr, River Joseph, at Ralph de Leon.

Hindi nga magkamayaw ang fans na nagtungo sa Glorietta kahit napakalakas ng ulan ng hapong iyon na inihayag ang unang apat na pelikulang maglalaban-laban sa pinakaaabangang MMFF sa December.

Nagsilbing host ng event sina Enchong Dee at Kaladkaren na nakadagdag-ningning sa hapong iyon.

Present din si MMFF Executive Committee at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes, Makati Mayor Nancy Binay, at Jesse Ejercito.

Pasok sa Top four ang pelikulang Call Me Mother na magtatanpok kina Vice Ganda at Nadine Lustre. Ito ay mula sa ABS-CBN Studios at IdeaFirst Company na ididirehe ni Jun Robles Lana.

Kasama rin ang pelikulang Rekonek na pagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Gloria Diaz, at Gerald Anderson. Si Jade Castro ang magdidirehe at handog ng Reality MM Studios.

At sa ikatlong pagkakataon, muling nakapasok ang pagbibidahan na namang pelikula ni Piolo Pascual na nagbida noong MMFF 2023 sa Mallari at The Kingdom noong MMFF 2024. Ngayong taon, pangungunahan niya ang pelikulang Manila’s Finest na ididirehe ni Rae Red mula Cignal TV.

Ikaapat na inanunsiyo ang horror movie na Shake, Rattle & Roll Evil Origins ng Regal Entertainment. Pagbibidahan ito nina Manilyn Reynes, Ivana Alawi, Fyang Smith, Richard Gutierrez, Ryan Bang, Carla Abellana, Lisa Andalio, Francine Diaz, Seth Fedelin, Ashley Ortega, Dustin Yu at marami pang iba. Ididire  nina Shugo Praico, Joey de Guzman, at Gina Marissa Tagasa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …