Thursday , June 4 2026
8th EDDYS SPEEd Little Ark Foundation 2

8th EDDYS ng SPEEd magbibigay ng tulong sa Little Ark Foundation 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAS magiging makabuluhan ang pagtatanghal ng ika-8 edisyon ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice Awards) sa July 20, 2025.

Inanunsiyo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na magiging beneficiary ng 8th EDDYS ang Little Ark Foundation. 

Ngayong taon, ibabahagi ng SPEEd ang pagtulong at pagsuporta sa mga batang patuloy na nakikipaglaban sa iba’t ibang medical condition. 

Ang Little Ark Foundation ay isang non-governmental organization na nagbibigay ng komprehensibong suporta sa mga batang may cancer, thalassemia at iba pang malubhang sakit. 

Bukod dito, nag-aalok din sila ng iba pang tulong tulad ng pansamantalang pabahay, transportasyon, pang-araw-araw na pagkain at emosyonal, at logistic na suporta para sa mga pamilya.

Ang misyon nito ay bigyan ang mga bata hindi lamang ng pangangalaga na kailangan nila, kundi pati na rin ng isang ligtas na lugar para gumaling at mangarap.

This year, The EDDYS goes beyond recognizing cinematic excellence by standing with children who are bravely fighting for their lives,” pahayag ni Salve Asis, pangulo ng SPEEd.

Through our support of the Little Ark Foundation, we hope to help ease their journey and bring attention to the crucial work being done for these young patients and their families,” dagdag ni Asis.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano suportahan ang Little Ark Foundation, bisitahin ang kanilang official website, littlearkfoundation.org.

Ang 8th EDDYS ay magaganap sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Ballroom sa Newport World Resorts sa Pasay City.

Magkakaroon ito ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirehe muli ni Eric Quizon.

Major presenter ang Playtime PH sa pakikipagtulungan Globe at Unilab

Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).

Itinatag noong 2015, ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor mula sa mga nangungunang pahayagan, tabloid, at online site sa Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …