MA at PA
ni Rommel Placente
AMINADO ang naging housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na si Dustin Yu na hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanyang buhay at career ngayon.
Kung dati raw ay isa lamang siyang viewer ng nasabing reality show, hindi niya akalaing magiging official housemate siya rito someday.
Ang pag-amin na ito ni Dustin ay ibinandera niya mismo sa kanyang Instagram account matapos ang kanyang PBB journey.
“Went inside PBB with no expectations, just a willing heart and the hope to learn something along the way,” simula niya.
“I didn’t really know what I was walking into, but maybe that’s the best part,” aniya pa.
Aminado rin si Dustin na hindi naging madali ang lahat –may ‘rough patches,’ may mga tahimik na tagumpay na hindi nakita ng kamera, at may mga moment na halos hindi niya maintindihan sa sarili niya, pero lahat ng iyon ay naging parte ng kanyang pagbabago.
“Still figuring things out, still trying, but I’m learning to be proud of how far I’ve come,” dagdag pa niya.
Hindi rin nakalimutan ni Dustin na pasalamatan ang mga naging bahagi ng kanyang PBB journey
“To all the amazing supporters, and to everyone who’s been there, whether loudly or quietly, thank you…You’ve been such a blessing in this journey.”
Para kay Dustin, ang tunay na pagbabago ay hindi agad-agad nararamdaman.
“Becoming who you are doesn’t always happen the way you expect. Sometimes it’s in the small, consistent ways you keep showing up,” mensahe pa ng ex-housemate.
Sa pagtatapos ng kanyang post, nagbigay si Dustin ng isang simpleng mensahe na punompuno ng puso: “A chapter I didn’t see coming, but one I’ll always value.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com