Thursday , June 4 2026
Arnulfo Teves

Teves balik-hoyo kapag naka-recover at magaling na

IBABALIK sa detensiyon si dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr.

               Iyan ay pagkatapos maka-recover o makapagpagaling sa ospital, tiniyak ito ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa kabila ng mga pangamba at agam-agam na tatakas ang akusado matapos ang kanyang operasyon.

“Sinisigurado kong hindi siya makatatakas sa hustisya kung sabihin niya ang kahit anong excuses,” ani Remulla sa paglulunsad ng National Forensics Institute sa University of the Philippines sa Maynila.

Kasalukuyang naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) si Teves dahil sa appendectomy emergency ay nahaharap sa kasong multiple murder kaugnay ng pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023.

Tiniyak din ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sinusunod nila ang lahat ng detention protocols.

Nakatakda sa 26 Hunyo ang arraignment ng dating kongresista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …