Thursday , June 4 2026
AzVer AZ Martinez River Joseph Klarisse de Guzman Shuvee Entrata ShuKla

AzVer inulan ng bashing, Klarisse lalong sumikat

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI ang nagpahayag ng kalungkutan sa pagkaka-evict ng ShuKla sa PBB.

Ang tandem nina Shuvee at Klarisse de Guzman nga ang latest evictees ng PBB na sobrang ikinalungkot ng marami.

Inaasahan kasi ng mga supporter ng show na aabot hanggang final four ang ShuKla, pero nang dahil nga sa three points na ibinigay dito ng tandem nina AzVer o nina AZ Martinez at River Joseph, nalagay sila sa  until na-evict nga.

Maraming bashing ang inabot ng AzVer at marami rin ang pumuna sa ‘pera-perang’ sistema raw ng reality show lalo’t si River nga ay galing sa napakayamang angkan o pamilya na konektado sa mga may-ari ng SM.

Kahit ang mga personalidad na sina Vice Ganda at Kara David ay nanghihinayang sa pagkakatsugi nina Shuvee at Klarisse dahil deserve ng mga ito na manatili at eventually ay manalo sa show.

Well, kung ang mga reaksiyon ng mga tao ang aming pagbabasehan, hindi hamak na mas lalo ngang sumikat si Klarisse at nagkaroon ng bagong fans.

Sa lahat naman kasi talaga ng mga housemate ng audition na ito ng PBB, si Klarisse naman talaga ang matatawag na may pangalan na at kilala.

Kaya nga dobleng excited si meme Vice na muli siyang ipag-produce ng concert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …