MATABIL
ni John Fontanilla
NAPAASEKSI at batambatang tingnan ang awardwinning actress at Nathan Studios producer na si Sylvia Sanchez nang humarap sa ilang entertainment press para sa mediacon ng Japanese film na Renoir na kasali sa main competition sa 2025 Cannes Film Festival.
Ang Renoir ay collaboration ng Nathan Studios at Daluyong Studios ni Mr. Alemberg Ang at ng iba pang international producers.
Namangha ang mga imbitadong press sa laki ng ipinayat ng aktres na ipinakita pa kung gaano kaluwang sa kanya ang dati niyang pantalon.
Kuwento nga nito, “For one month, pumayat ako ng 24 lbs. at walang operasyon ‘yun, ha?
“Tanging gamot lang na ibinigay sa akin ni Dr. Roland Angeles ang nakatulong sa aking pagpayat.
“Walang side effects sa akin ‘yung gamot, ‘yun lang, mainit ang ulo ko ‘pag gutom, hahaha!” natatawa niyang pahayag.
At ang isang rason nito para magpapayat ay nang malamang nakapasok sa main competition ng Cannes Filmfest 2025 ang Renoir na bilang co-producer y kailangan nga nilang rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival sa France.
Kaya naman bago ang nasabing event ay pumayat si Sylvia at marami nga ang nagulat at humanga sa kaseksihan nito.
Back to Renoir, maraming imbitasyon na ang natatanggap ng movie at ibabahagi ito ni Sylvia kapag okey na ang lahat at bukod sa ipalalabas ito sa ibang bansa ay mapapanood din ito sa Pilipinas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com