Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May quiet rebellion sa Kamara
VISAYAS-MINDANAO BLOC DESMAYADO SA LIDERATO NI ROMUALDEZ —  FRASCO

061125 Hataw Frontpage

HATAW News Team

MATAPOS tanggalin bilang miyebro ng National Unity Party, inamin ni House Deputy Speaker at Cebu Rep Duke Frasco na ang kanyang desisyon na hindi pirmahan ang manifesto of support para kay House Speaker Martin Romualdez ay resulta ng kanyang konsultasyon sa local leaders mula sa Visayas at Mindanao na hindi na pabor sa paraan ng pamumuno sa Kamara.

“In recent weeks, I have spoken with my colleagues in Congress, local leaders—especially from the Visayas and Mindanao—and most importantly, with my own constituents. A shared frustration has emerged. There is deep disappointment that the unity our people once hoped for has been steadily undermined by political and personal interests,” pahayag ni Frasco.

Ayon kay Frasco, maraming local leaders ang desmayado sa sobrang pamomolitika sa loob ng Kamara na nagdudulot ng pagkawatak-watak.

Tinukoy nito ang galawan sa Kamara na dalawang araw pa lamang mula nang matapos ang May 12 elections ay pinapipirma na sa isang manifesto of support ang mga incoming congressmen.

Ang hindi pagpirma ni Frasco sa manifesto ang dahilan ng pagpapatalsik sa kanya sa NUP.

Una nang sinabi ni NUP President at Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte, ang posisyon ng partido ay suportahan si Romualdez na manatili sa puwesto bilang Speaker sa ilalim ng 20th Congress.

Ngunit naniniwala si Frasco na kailangan tingnan muna ang direksiyon ng liderato sa Kamara sa harap ng mababang resulta ng 2025 midterm election  para sa  administration senatorial lineup.

“The President has consistently called for unity, stability, and a government that delivers meaningful change. I firmly believe that the House of Representatives should reflect these values, not only through the laws we pass, but also in the leadership that we uphold,” giit ni Frasco na isang Deputy Speaker sa Kamara.

Samanatala, itinuturing ng ilang political observers na ‘red flag’ ang pagdistansiya ni Frasco sa House leadership dahil  nangangahulugan ito na mayroon nang lamat sa pamumuno ni Romualdez.

Naniniwala ang mga analyst na may ‘backing’ ng political bloc sa Kamara ang galaw ni Frasco lalo at galing ito sa political powerhouse sa Cebu City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …