Thursday , June 4 2026
Robi Domingo Jolina Magdangal

Robi pinakyaw hosting job sa Kapamilya

MA at PA
ni Rommel Placente

INIHAYAG na ng Kapamilya Network na si Robi Domingo ang magiging host ng Idol Kids Philippines, na malapit nang mapanood sa susunod na buwan.

Magiging co-host niya rito ang ‘90s Pop Icon na si Jolina Magdangal.

Bongga si Robi dahil hindi pa natatapos ang Pilipinas Got Talent ay mayroon ng nakalinyang trabaho para sa kanya. Idagdag pa riyan ang pagiging host niya ng nagwakas na Time To Dance at ng Pinoy TV reality competition show na Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Napapanood din siya paminsan-minsan bilang host sa Sunday noontime musical variety show na ASAP.

Bagamat may mga natuwa para kay Robi dahil feeling nila ay deserved nito ang bagong hosting job, marami rin naman ang nang-okray sa TV host.

Hirit ng ilang nagmamaldita, pinakyaw na raw ni Robi ang halos lahat ng shows ng ABS-CBN. Siya lang daw ba ang magaling mag-host at hindi kumuha ng iba?

May mga nang-intriga pa na panis o kabog daw ngayon ni Robi si Luis Manzano sa pagiging indemand pagdating sa paramihan ng hosting job. 

Kung dati-rati raw ay si Luis ang paborito ng ABS-CBN  bilang host, ngayon daw ay si Robi na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …