MA at PA
ni Rommel Placente
ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw pa ring bumibisita sa puntod nito sa Libingan ng mga Bayani.
Iyan ang ibinalita ni Lotlot de Leon matapos bisitahin ang libingan ng kanyang yumaong ina kasama ang kanyang mga anak na sina Diego, Maxine, Jessica, at Janine, at kapatid na si Kiko. Kasama rin nila ang boyfriend ni Janine na si Jericho Rosales.
Ibinahagi ng premyadong aktres sa kanyang Instagram page ang kanilang family photos na kuha sa harap ng puntod ni Ate Guy.
“Two days ago we visited mom with her apos and echo and my brother Kiko.Maayos na ‘yung lugar,” simula ng mensahe nI Lotlot.
Todo ang pasasalamat ni Lotlot sa patuloy na pagbibigay-pugay ng mga tao sa kanyang nanay, lalo na sa mga tagahanga nito.
“Araw-araw marami pa rin bumibisita sa kanya.There are times I wait in the car when I visit her ‘pag maraming tao. And I see how they pay their respects to mom. Salamat sa pagmamahal niyo sa kanya.
“Thank you sa inyo na dumadalaw at lagi kayo may dalang bagong kandila at bulaklak para kay Mommy.
“I’m sure she’s smiling from up above and masaya siya. Thank you for always praying for her too,” pahayag pa niya.
Pinasalamatan din niya ang mga opisyal at staff ng Libingan ng mga Bayani.
“Maayos na ‘yung place ng mommy… sobrang linis at ganda. I’m really grateful sa malasakit niyo.
“Mula sa aking puso, Mahal ko kayo at maraming salamat,” mensahe pa ng aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com