Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kompetisyon sa PBA D League magiging matindi — Isaac

NANINIWALA ang head coach ng Blackwater Sports na si Leo Isaac na mas balanse na ang kompetisyon sa PBA D League sa pagsisimula ng Aspirants’ Cup  bukas sa Ynares Sports Arena sa Lungsod ng Pasig.

Kagagaling lang ng Elite sa pagkampeon sa huling torneo ng liga, ang Foundation Cup, noong Hunyo, kung saan tinalo nila ang pinakamalakas na koponang North Luzon Expressway.

“One advantage I see with us, as well as NLEX, is that may kompiyansa pa rin ang mga players ko after we won the championship last conference,” wika ni Isaac kahapon sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Shakey’s Malate.

“We didn’t have that much changes for this season and we still have the core of the champion team. Pero ang problema namin, some of our players applied for the PBA draft kaya magkakaroon tayo ng problema sa adjustment ng mga bagong players like Jericho Cruz.”

Sa panig ng NLEX, malaki ang pinagbago nito nang nagdesisyon nitong sumanib  sa San Beda College sa NCAA kung saan anim na manlalaro ng Red Lions ang isinama sa lineup ni coach Boyet Fernandez.

“Maganda for the D League na maraming bagong teams ang sumali,” ani Road Warriors assistant coach Adonis Tierra. “Alam nila na kaya na nilang talunin ang team namin.”

Sa nasabi ring PSA Forum, sinabi ni Big Chill head coach Robert Sison na malaking kawalan para sa kanyang koponan ang pag-alis ni Terrence Romeo para magpalista sa PBA draft.

“Losing Terrence will be a big challenge to my other players,” ani Sison. “We added a lot of tall players to banner our team like Michael  Miranda and Dexter Maiquez.”

Bukod sa NLEX, may school tie-up din ang dalawa pang koponan sa D League kung saan nakisanib ang Cebuana Lhuillier sa University of the East at ang Cafe France sa Centro Escolar University.

“We hope to perform better with our CEU players plus Eliud Poligrates from Cagayan,” sambit ni Bakers assistant coach Jun Tiongco.

“We have six UE players led by Roi Sumang and we have a more dynamic, defensive-oriented team,” dagdag ni Gems assistant coach Nomar Isla.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …