Friday , August 15 2025
John Dave B. Pacheco, Wagi sa Pagsulat ng Dramatikong Monologo ng Dula Tayo 2025

John Dave B. Pacheco, Wagi sa Pagsulat ng Dramatikong Monologo ng Dula Táyo 2025

NAGWAGÎ si John Dave B. Pacheco sa Pagsulat ng Dramatikong Monologo ng Dula Táyo 2025 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) pára sa kaniyang dulang “Ang Lupa ay Akó” at makatatanggap siyá ng P10,000 (net) at plake.

Nagwagî rin si Mark Andy Pedere ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang dula na “Dayorama ng mga Nawaglit na Alaala” at makatatanggap siyá ng P7,000 at plake.

Hinirang si Alpine Christopher P. Moldez sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang dulang “Consejo de los Personajes” at makatatanggap siyá ng P5,000 (net) at plake.

Si John Dave B. Pacheco ay nagtapos sa Lagao National High School sa Lungsod Heneral Santos at isang Tagakaulo, mula sa Malungon, Lalawigan ng Sarangani. Siyá ay naging semi-finalist para sa 3rd Lagulad Prize at finalist para sa Sulat Sox poem writing competition at nailathala ang kaniyang mga akda sa Cotabato Literary Journal. Sa kasalukuyan, siya ay isang peer educator, isang HIV/AIDS advocate, at miyembro at opisyal ng Sarangani Writers League.

Isa siyáng manunulat at spoken word artist. Itinampok ang kaniyang tulâ sa 2020 international anthology na A Thousand Cranes. Si Ginoong Pacheco ay nagsisilbi rin bilang Editor-in-Chief ng Hayo, ang unang magasing pambata ng Filipinas na nakatuon sa kamalayan sa HIV/AIDS, na kinilala bílang 1st runner-up sa isang pambansang paligsahan. Sa kasalukuyan, siyá ay kumukuha ng Bachelor of Arts in Filipino sa Mindanao State University – Lungsod General Santos.

Ang Dramatikong Monologo ay isang anyo ng maikling dula na may iisang karakter na nagtataglay ng malinaw na paglalarawang-tauhan at isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Ipinahahayag ng tauhan ang kaniyang karakterisasyon sa isang tukoy na tagapakinig at/o tagapanood.

Ito ay onlayn na timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan. Pakikiisa ito ng KWF sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (sa ilalim ng UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …