Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Nora Aunor

Ate Vi isa sa naunang pumunta sa burol ni Nora

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAHANGA-HANGA ang sinserong pakikidalamhati sa kanyang “mare ni Ms Vilma Santos.

Isa nga rin sa mga naunang pumunta sa burol ni ate Guy ang ating mahal na Star for All Seasons at rival ng Superstar for the longest time.

Ramdam namin ang kanyang kalungkutan dahil naging kakambal nga niya si Nora sa showbiz, sa tagumpay man o pagkalugmok.

Wala na talagang makakapantay o makakadikit man lang sa uri ng ‘rivalry’ nila lalo na noong 70’s at 80’s, kung kailan sobra silang namayagpag bilang mga icon at legends ng industriya.

Hindi man nabitbit ni ate Guy ang klase ng outstanding evolution ni ate Vi (from showbiz to politics), hindi maipagkakaila na nagkatulungan sila sa maraming aspeto ng kanilang buhay at career at sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Magkaiba man ang ‘greatness’ na naiambag nila sa buhay ng bawat Pinoy through their body of work in the industry, hindi maitatangging walang Nora kung walang Vilma and vice versa.

Abala si ate Vi sa kanilang kampanya sa Batangas at ang dagok na ito sa pagkawala ng isang Nora Aunor ay tiyak na magbibigay ng karagdagang inspirasyon para lalo niyang paigtingin ang mga adbokasiya niya sa HEARTS, lalo na sa aspetong Health o kalusugan para sa kanyang mga kababayan at kaibigan.

HEARTS stands for HealthCare, Education (environment-employment), Agriculture (arts), Roads & Infrastructure, Tourism (technology) and Security (social welfare).

Muli, sa mga kaibigan naming Noranians, mula sa amin, sampu ng iba rin naming ka-Vilmates, nakikiramay po kami at nagdarasal para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng nag-iisang Nora Aunor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …