Thursday , June 4 2026
Ashley Ortega

Ashley pinangarap makagawa ng action series 

RATED R
ni Rommel Gonzales

 MULA sa pagiging Independent Tis-Ice Princess ng San Juan, change role na agad si Ashley Ortega dahil sasabak na siya sa action bilang Agent Tony sa Lolong: Pangil ng Maynila.

Sa unang engkuwentro ng karakter ni Ashley kay Lolong (Ruru Madrid), pinakitaan na agad siya nito ng kabayanihan at kabutihan. Gayunman, curious pa rin ang madla kung siya ba ay magiging kaaway o kakampi sa buhay ng bida gayong maraming plot twists pa ang pwedeng mangyari sa serye. 

Sey ni Ashley, natutuwa siya sa pagkakataong mapabilang sa Lolong dahil pinangarap din niyang magkaroon ng action projects. “Napasabak po ako sa action, so may mga barilan, fight scenes. Sana matanggap ako ng tao na nagfa-fight scenes. Pero, I’m so happy dahil gusto ko rin po talagang gumawa ng action.”

Ipinarating din niya ang excitement na muling makatrabaho si Ruru. “I’m happy that I got to work with him again. Si Ruru ang isa sa mga artistang nakasama ko nung kaka-start ko lang sa showbiz, so it’s nice to work with him as adults na.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …