Wednesday , May 7 2025
Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED R
ni Rommel Gonzales

PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na namang serye si Kazel Kinouchi sa GMA.

“I have an upcoming show. Magte-taping kami first week of April,” pahayag niya.

Puwede na ba niyang sabihin kung ano ito?

“I think puwede na, ipo-promote ko na, ‘My Father’s Wife,’ with sila Gabby Concepcion, Kylie Padilla.”

 Mabait siya rito?

Siyempre hindi,” at tumawa si Kazel.

Hindi ba niya sinasabi sa GMA na pabaitin naman siya for a change?

“I think gusto nila ‘yung nagtataray ako,” at muling tumawa si Kazel. “But I also like to be…I mean, okay ‘yung maging mabait.

“Pero siguro kasi mas komportable ako since ‘Abot Kamay’ ganoon ‘yung role ko, pero this time, hindi na kasi ako doctor, iba na ‘yung role. So still… bida-kontrabida, ganoon pa rin.”

Epektibong gumanap na kontrabida si Kazel bilang si Dra. Zoey Tanyag sa Abot Kamay Na Pangarap.

Maganda at mahusay magsalita, wala bang ambisyon o planong sumali ng beauty pageant si Kazel?

Aniya, “Never ko naisip.

“We’ll just leave it to the rest, ako, rito na lang ako.”

Ayaw niya?

No. Never ko talagang nagustuhan mag-pageant.”

Kahit noong nag-aaral siya, hindi siya sumasali sa school pageants?

Hindi,” pakli ni Kazel.

Parang hindi ko kayang magseryoso or rumampa, I can’t…I don’t see myself walking.”

Si Kazel ay dating Kapamilya.

Yes po, Star Magic.”

Isa na siya ngayong GMA/Sparkle female star. Kaya hiningan namin siya ng reaksiyon sa patuloy na collaboration ng GMA at ABS-CBN.

Lahad niya, “Alam mo nga, sobra po talagang galing kasi ‘di ba, parang hindi mo inisip ‘yun, eh. Now, there’s ‘PBB,’ di ba?”

Ang tinutukoy ni Kazel ay ang umeere ngayong Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na ang mga host ay pinagsamang Kapamilya at Kapuso stars na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Enchong Dee at sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi.

Pagpapatuloy pa ni Kazel, “I’m so happy kasi dapat matagal na nilang ginawa ‘yun, kasi when you’re… sa ibang bansa naman, ‘di ba wala namang masyadong ganoon.

“Dito lang talaga ‘yung may mga network war and I’m so happy na tinanggap din naman siya ng audience and at least, ‘yun, mas open ‘yung work, ‘di ba?

“Mas maraming opportunities for us also.”

Given a chance or a choice, papasok bang muli si Kazel ng Bahay ni Kuya?

Why not,” bulalas niya.

Siyempre yes lang ng yes. Medyo matagal na rin kasi ‘yung last ko na ‘Big Brother’ eh, doon ako galing po.”

Kung kinuha siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition okay lang sa kanya?

Yes. Oh my gosh, okay naman. 

“Yes. It would be fun. It would be an experience.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax. Kasama si Ali …

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Nick Vera Perez abala sa promosyon ng ikaapat na album 

NASA bansa ngayon si Nick Vera Perez para sa kanyang ikaapat na album, ang all-original at all-new OPM …

Kiray Celis Mother P1-M Van

Kiray brand new van iniregalo sa ina (pagkaraang magbigay ng P1-M)

MATABILni John Fontanilla NAPALUHA ang ina ng actress/ businesswoman na si  Kiray Celis sa sorpresang ibinigay nito …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa …