Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko Partylist na pinangungunahan ni first nominee Atty. Anel Diaz.

Ayon kina Ocsan at Ejercito, naniniwala silang matutulungan sila ng Partylist nina Diaz upang ipagtanggol at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat miyembro ng sektor ng lipunan.

Tinukoy ni Ejercito na bilang bahagi ng isang hindi maayos na pamilya o isang illegitimate child ay lubhang nagiging unfair ang pagtrato sa kanya.

Naniniwala si Ejercito na sa sandaling manalo ang naturang partylist ay tiyak na maisusulong nito ang pag-amyenda sa ating tintawag na Family Code na dapat ay magtamasa ng pare-parehong karapatan ang bawat anak ng isang pumanaw sa kanyang mga ari-arian.

Sinabi ni Ocsan, bilang isang single mother naniniwala siyang maraming mga uri ng kabuhayan ang maaaring itulong at isulong ng Pamilya Partylist.

Dahil dito tiniyak nina Ocsan at Ejercito na kanilang ikakampanya sa lungsod ng Maynila at mga kakilala ang Pamilya ko Partylist. 

Lubos ang pasasalamat ni Diaz sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng dalawa at sa mainit na pagtanggap ng mga Manileño sa Pamilya Ko Partylist.

Siniguro ni Diaz sa lahat na titiyakin nila ang pagsusulong ng pagkapantay sa karapatan ng  mga anak, lehitimo man o hindi at tiyaking maipatupad ang benepisyong makukuha ng mga solo parents at nais niyang gawin itong nasyonal o hindi galing ang benepisyo sa local government unit (LGUs).

Aniya, hindi ito patas sa mga solo parent na naninirahan sa isang hindi asensadong LGU dahil hindi nila makukuha ang tamang benepisyong isinasaad ng Expanded Solo Parent Act. (Niño Aclan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …