Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Resulta ng survey
85% NG KABATAAN APRUB NA PATALSIKIN SI VP SARA

033125 Hataw Frontpage

MAYORYA ng college students ang naniniwala na dapat mapatalsik sa kanyang puwesto si Vice President Sara Duterte, ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Centre for Student Initiatives.

Ayon kay Maria Aquino, CSI Director for Operations, resulta ng naturang surveys ay nagpapakita na hindi masaya ang mga kabataang Filipino sa liderato ni Vice President Duterte lalo na ang kawalan niya ng pananagutan at dishonesty partikular na ang kanyang paggastos sa confidential funds ng kanyang tanggapan.

Magugunitang noong 5 Pebrero ng taong kasalukuyan ay ini-impeached ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Duterte matapos akusahan ng graft and corruption.

Batay sa resulta ng survey, ang kabuuang 1,696  mula sa 2,000 respondents o  84.8%, ay sumagot ng “yes” sa kuwestiyon na “Do you believe Sara Duterte should be removed from office?”

“Though it is nice that we were able to confirm it, the results are somehow expected. Previous surveys, including student mock polls conducted ahead of the 2022 vice presidential elections, gave us a glimpse of how the youth perceive Sara Duterte’s leadership or lack thereof,” ani Aquino.

Sa naturang survey din ay nais ng 73.9% (1,477 mula sa 2,000) respondents na mag-convene na ang impeachment court bago ang halalan sa Mayo.

Pinangunahan ng CSI ang survey sa pamamagitan ng online mula noong 28 Pebrero hanggang 16 Marso gamit ang non-probability sampling.

Ang Centre for Student Initiatives ay isang youth-led volunteer organization na sumusuporta at nagpapakita ng  student-driven and solution-oriented research sa Filipinas. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …