Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez Paulo Avelino Kim Chiu

Kim pinaratangan pinagseselosan sexy picture ni Janine

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MATAPOS ma-bash at maintriga nang husto si Kim Chiu dahil sa misinterpretation ng ilang solid DDS o mga supporter ni dating Pangulong Duterte, may bago na namang intriga sa aktres-host.

May isang franchise ang Julie’s Bakeshop sa Indangan, Davao City na ayon sa mga lumabas sa socmed na nagpakalat ng photos and videos habang tinatakpan ang mukha ni Kim na endorser pala ng nasabing bakeshop.

Given na siyempre na part pa rin ‘yun ng naging pagkastigo kay Kim sa tingin ng mga taga-Davao na Duterte country ‘ika nga.

Pero mabilis din ang mga supporter ni Kim sa pag-defend at agad silang nanawagan sa pamunuan ng kilalang bakeshop na gumawa ng aksyon dahil malaki naman daw siguro ang naiambag ni Kim sa naturang brand bilang endorser nito.

Pero hindi pa nga natatapos ang usapin at wala pang anumang pahayag, heto na naman sa limelight si Kim dahil pinararatangan naman itong nagselos sa mga nakabalandrang sexy photos ni Janine Gutierrez sa isang mall.

Nitong weekend lang daw ‘yun nangyari habang nasa isang mall show nga ang KimPau promoting their upcoming movie.

May mga kumakalat na videos and photos on this, pero mas obvious ‘yung video na ayaw daw patalikurin ni Kim si Paulo Avelino dahil behind him are the giant billboard-photos ni Janine na super sexy.

Nakakalokah naman talaga hahahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …