Friday , March 14 2025
Kids of the World 2025

5 kabataan mula ‘Pinas nasungkit titulo sa Kids of the World 2025

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

LIMANG kabataan ang nag-uwi ng karangalan kamakailan sa ginanap na Kids of the World 2025 na ginanap sa Bali, Indonesia noong February 28-March 1.

Itinanghal na Little Mr Kids of the World 2025 si Quincy Ross Antonio Pertodo na nakuha rin ang Most iconic at Most Favorite award. Tinalo ni Quincy Ross sa titulo ang representative mula Indonesia at Laos.

Junior Ms Kids of the World 2025 naman si Elisha Nicole Erana na mahigpit na nakatunggali ang representative mula South Africa, Indonesia, at Bostwana; Little Ms Ambassador Kids of the World 2025 si Princess Margaret de Castro na tinalo ang taga-Indonesia, Laosm at Bostwana; Junior Ms Universe Kids of the World 2025 si Athena Ashley Salanga na tinalo ang taga-Indonesia at Laos; at Junior Mr Ambassador Kids of the World 2025 naman si Khale Luis Alvarez Montiel na mahigpit na nakalaban at tinalo ang taga-Indonesia at Laos.

At siyempre hindi makukuha ng limang bagets ang title kung wala ang guidance ng kanilang National Director na si Charlotte Dianco ng Spring Fairy Entertainment Productions at ni Ms. V-Gay Y Mortiz ng Alva Kids.

Kitang-kita namin ang pagkabibo ng limang nagwagi  sa Kids of the World 2025 sa isiangawang Victory press conference kaya hindi nakapagtataka na naiuwi nila ang title. Nagpakitang-gilas din ang iba pang alaga ng Alva tulad Miguel François Casimiro na nag-host,opening prayer ni Bless Pedrosa, stunning dance performance nina Jaden Galang & B. A. S. PH (Bless, Ashley, and Sofia) at ang pag-rampa ng iba pang Alva kids at Goin’ Bulilit stars. Dumalo rin si Miss Teen CultureSabrina Renee Bautista

Sa murang edad ng mga bagets hindi biro ang pagte-training sa mga ito. Pero ayon kay Ms V-Gay hindi sila nahirapan sa pagte-training sa lima dahil gifted ang mga ito. 

“Actually dahil na rin sa kanila (mga bata) eh, ako ay guidance lang. So, with the help of God and itong mga batang ito they are gifted already eh. 

“So sa akin guidance na lang. And importante sa akin iyong tulong ng mga magulang for the attitude kasi sila ang kasama ng mga bata,” ani Ms. V-Gay.

Mayroon apat na sessions na isinagawa ang Alva Kids sa pagte-training sa mga bagets. At sa lima, si Nicole ang pinaka-una dahil 6 years old pa lang ito’y nasa kanila na.

“Wala siyang ibang training and iyong actual na runway, kapag may mga invitations ang Alva Kids dinadala namin sila for the experience. And with the four sessions lahat iyan parang nai-compress namin iyong lessons tapos may mga partner tayong experts na kasama namin para mahasang mabuti pa ang mga bata.

“Isa sa partner experts namin ang Global Academy of Rock para sa music. Sa modeling ang RunwayAtelier and mayroon po tayong coaches na online and runway model na nakakasama sila na tumutulong. Sa acting naman mayroon tayong mentors from Goin’ Bulilit na nagtuturo sa kanila,” pagbabahagi pa ni Ms V-Gay.

Sinabi pa ni Ms V-Gay na nakipagtunggali ang mga bata sa kanilang national costume at evening wear.

More on high fashion ang ipinakita ng mga bata. Ang question and answer for the preteens. Ang kids more on the ramp,” sabi pa ng taga-Alva. 

Bale tinalo ng limang bagets ang mga batang ipinadali mula Laos, Bostwana, Korea, Indonesia, South Africa, at India. 

Sinabi naman ni Ms Charlotte na first time ginawa ang Kids of the World at inaasahang taon-taon na ito gagawin.

Idinagdag pa ni Ms V-Gay na hindi sila nahirapang i-train ang mga bata. “Gifted sila, they listen well. Kapag makulit napagsasabihan naman, nakikinig sila. Ang unang tine- train namin sa Alva sa kanila ay attitude. Kapag wala po ‘yan hindi na namin tine-train. Kinakausap na namin ang parents na hindi namin kakayanin kasi kailangan namin number one is communication then attitude.”  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruffa Gutierrez Anna Magkawas Luxe Skin Glowtion

Ruffa proud sa edad na 50

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AY naku, usapang ganda na lang tayo dahil pumirma si Ruffa Gutierrez ng …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

Ivana Alawi

Ivana Alawi walang K tawaging Darling of the Press! 

MATABILni John Fontanilla PARANG mali naman yata na sabihin ng iba na darling of the …

Joel Cruz Coco Martin Dingdong Dantes

Coco at Dingdong target ni Joel Cruz na gumanap sa kanyang biopic

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na ang tinaguriang The Lord of Scents na si Joel Cruz para isa-pelikula …

Michael Jackson Rodrigo Matos

Rodrigo Teaser kay Michael Jackson — He is bigger than life

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI rin niya alam, sa edad na lima, pumasok na sa …