Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
McCoy de Leon Mon Confiado In Thy Name

Mon dinuraan, isinubsob si McCoy

RATED R
ni Rommel Gonzales

DINURAAN ni Mon Confiado si McCoy de Leon sa mukha sa isang eksena sa In Thy Name.

Eksena ito na binugbog ni Abu Sabaya (Mon) si Father Rhoel Gallardo (McCoy) at ayon nga sa kuwento ni Mon, “Unang-una nagpapasalamat ako sa dalawang direktor namin kasi binigyan talaga kami ng freedom for that scene.

“Actually kami ni McCoy mismo ‘yung… si direk Rommel nakaabang lang sa kamera, one long take ‘yun, dalawang takes ang gusto ni direk Ceasar.

“Pinulido namin, nag-usap lang kami sandali, sabi ko, ‘McCoy hindi ko alam saan papunta ito, basta tatadyakan kita, pagsasasapakin kita hindi ko alam kung gaano kalakas.

“Pero parang napalakas yata noong napanood ko, eh.

“Pero iyon, sobrang ina-admire ko si McCoy sa kanyang professionalism dahil alam kong nasasaktan siya, ‘yung unang tadyak pa lang sumubsob na agad talaga siya.

“Hinahampas ko talaga ‘yung mukha niya, ano na kasi ako niyon, wala na ako kumbaga sa kontrol, wala na ako sa sarili ko, kung ano lang ‘yung maisip kong gawin.

“At tinatanggap lahat ni McCoy.

“At hindi lang siya dura, naging plema pa!

“Kasi that time parang may ubo ako, pag-ipon kong ganoon… pagdura ko ewan ko iyon ‘yung lumabas, tinanggap din ni McCoy ‘yun, muntik pang umano (mag-shoot) sa bibig niya.

“Parang iyon kasi ‘yung representation kung paano namin niyurak ang pagkatao ni Father Rhoel, eh.

“Dinuraan sa mukha, isinubsob sa lupa.

“So iyon lahat and McCoy, love you!

“Thank you! Salamat sa pagtanggap, sa propesyonalismo,” ang sinabi pa ni Mon kay McCoy.

Mula sa direksiyon nina Caesar Soriano at Rommel Ruiz, ang In Thy Name ay palabas na ngayon sa mga sinehan na co-stars sina Aya Fernandez, Kenken Nuyad, Jerome Ponce, Yves Flores, Ynez Veneracion, Kat Galang, Pen Medina, Alex Medina, Soliman Cruz, at JC de Vera.

Mula ito sa Viva Films at sa GreatCzar Media Productions.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …