Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
No Firearms No Gun

Sa Arayat, Pampanga  
2 miyembro ng gun-for-hire tiklo sa baril at granada

ALINSUNOD sa ipinatutupad na nationwide election gun ban, pinaigting ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang operasyon laban sa illegal possession of firearms, mga criminal gangs, at mga grupong sangkot sa gun-for-hire at gun running activities sa Pampanga kamakalawa.

Nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng CIDG Detective and Special Operations Unit (CIDG- DSOU) kasama ang CIDG Regional Field Unit 3, Arayat Municipal Police Station, ang 15th Army Intelligence Regiment (AIR), Philippine Army and Explosives and Ordnance Disposal 3, sa Brgy. Mapalad, Arayat, Pampanga na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang pinaniniwalaang miyrembro ng gun-for-hire group.

Sa ulat na nakarating kay P/Maj. Gen. Nicolas Torre III, Direktor ng CIDG, nagsilbi ang operating team ng tatlong warrants of arrest para Usurpation of Authority o Official Function (Art. 177, RPC), na inisyu ng MCTC, Catigban-San Isidro-Sagbayan, Bohol na may petsang 18 Abril 2022; Illegal Possession of Firearms and Ammunition, na inisyu ni Presiding Judge Josephine Fernandez ng San Mateo, Rizal  RTC Branch 76 sa Service of Sentence; at paglabag sa Sec. 11, Art. II ng RA 9165 na inisyu ni Presiding Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz, ng Malabon City RTC Branch 169 laban sa suspek na kinilalalang si alyas Antonio.

Narekober ng operating team mula sa pag-aari ng suspek at kaniyang pinsang kinilalang si alyas Ariel ang isang fragmentation grenade, dalawang kalibre .45 na pistola, na ang isa ay may suppressor; isang MK-9 9MM sub-machine gun, ilang magazine, at iba’t ibang klase ng bala, isang PNP Identification Card na may pangalang P/Maj. Antonio Oriendo Cerbito, isang AFP Identification Card na may pangalang Maj. Antonio Oriendo Cerbito, at PNP at AFP uniforms.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi miyembro ng PNP at AFP sina alyas Antonio at alyas Ariel kaya sasampahan sila sa National Prosecution Service ng mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives) kaugnay sa BP 881 (Omnibus Election Code) at COMELEC Resolution Number 11067 para sa ilegal na pag-aari ng baril at iba pang nakamamatay na sandata sa panahon ng halalan; at Usurpation of Authority sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code.

Kaugnay nito, tiniyak ni P/Maj. Gen. Torre na walang humpay ang CIDG sa paggalugad ng mga loose firearms, explosives at deadly weapons, at aarestohin ang lahat ng mga kriminal na nagtataglay nito. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …