Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca, happy na sa non-showbiz boyfriend

FREE LANCER na pala si Bianca Manalo kaya walang problema sa kanya ang  magtrabaho  sa  iba’t ibang  estasyon. Pagkatapos ng seryeng Aryana, sa  Dos, kasama naman siya ngayon sa upcoming serye ng Kapatid  Network, ang  Positive na pinagbibidahan ni Martin Escudero.

Mukha  namang  happy na  si  Bianca  sa  kanyang  lovelife. Nang  tanungin  ng press  kung  kumusta  na  ang lagay ng puso niya, sinabi niyang masaya siya with her non-showbiz boyfriend na mas matangkad sa kanya. Ayaw na rin niyang pag-usapan ang ex-boyfriend na si John Prats.

Robi, balik-pag-aaral ‘pag ‘di nagtagal ang career sa pag-aartista

FLATTERING para kay Robi Domingo kapag sinasabing siya na ang susunod sa yapak ni Luis Manzano pero sabi niya marami pa siyang kakainin bago marating ang narrating ni Luis. Masasabing suwerte kasi ngayon ang career ng TV host dahil katatapos lamang ng The Voice, ay  may show  siya kaagad,  angI  Dare  You.

Pero sa hosting na nga lang magpo-focus si Robi, hindi na ba siya babalik sa pag-arte?

Sagot  niya, he’s not closing his door pero sa hosting daw niya talaga nakikita ang kanyang sarili at kahit pa nagpa-sexy siya ng slight sa teleserye noon naKapag  Puso’y Masugatan, ay ini-reveal  niyang  hindi  raw niya kagustuhan  ang  magpakita ng katawan.

Sinunod lang daw niya ang director na si Wenn Deramas dahil ayaw niyang masabihan siyang may attitude  na pero nasabihan daw siya ng kanyang management.

Anyway, may fall back pa rin daw si Robi if ever hindi magtagal ang kanyang career. Ipagpapatuloy daw niya ang pag-aaral ng Medicine particular ang Opthalmology.

Mildred A. Bacud

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …