Friday , June 5 2026
Pia Cayetano APPT Padel Pilipinas

Senador Pia: Pilipinas, handa nang umarangkada sa global sports!

KUMPIYANSA si Senador Pia Cayetano na kayang maging global sports hub ng Pilipinas, lalo na ngayong matagumpay na naidaos ang Asia Pacific Padel Tour (APPT) Manila 2025.

          Sa isang panayam nitong February 23, binigyang diin ni Cayetano, na siyang founder ng Padel Pilipinas, ang kahalagahan ng pagho-host ng international tournaments, lalo na para sa lumalaking sports tulad ng padel.

          Aniya, malaking tulong ito hindi lang sa pagpapalakas ng lokal na sports scene kundi pati na rin sa pagbibigay-inspirasyon sa mga batang atleta.

          “I think it’s a great opportunity for the Philippines to really be in the loop of sports hosting kasi doon papunta ang mundo, y’ung wellness and sports tourism,” sabi ni Cayetano.

          Ayon sa senadora, kailangan din ng isang buong sistema, mula sa grassroots programs, accessible na pasilidad, hanggang sa tamang role models na gagabay sa mga atleta.

          Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng sports development, ipinunto ni Cayetano na ang mga event tulad ng APPT Manila Open ay nagsisilbing entablado para ipakita ang galing ng mga atletang Pinoy.

          Bukod dito, nagiging tulay din ito para makipagsabayan ang ating mga manlalaro sa international athletes at palakasin ang sports community.

          Proud din ang senadora sa world-class na pasilidad ng torneo, mula sa maayos na restroom hanggang sa medical team na handang rumesponde kung kinakailangan.

          Pero higit pa sa indibidwal na tagumpay, iginiit ni Cayetano na kailangang bumuo ng isang matibay na national team.

          “The goal is to build a strong team. That they’re inspirational. That they’re also learning in the process. So, that’s what I see with our national team right now,” aniya.

          Dagdag pa niya, patuloy ang pagsisikap na gawing mas matibay ang padel scene sa Pilipinas.

          Target niyang mabigyan ng tamang training at exposure ang mga batang atleta, na maaaring magdala sa bansa bilang isang training hub para sa international padel players.

          “Y’ung goal [is] palakihin ng palakihin ang pool, because the sport is new. I’d like the Philippines to be a hub for training, kasi nakikita nung mga Southeast Asians na strong y’ung team natin,” sabi niya.

          “We want to continue being the destination for padel players, padel coaches, and padel enthusiasts,” dagdag niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …