Saturday , April 5 2025
Vince Dizon PBBM Bongbong Marcos

Para sa mas maraming proyekto
DIZON NANUMPA KAY PBBM BILANG BAGONG DOTr CHIEF

022225 Hataw Frontpage

NANUMPA na si Vivencio “Vince” Dizon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr).

Sa isang panayam matapos ang kanyang panunumpa sa Pangulo, tiniyak ni Dizon na kanyang pagbubutihin na isaayos ang sistema ng transportasyon sa bansa.

Tiniyak ni Dizon na kanyang tututukan upang matapos sa lalong madaling panahon ang mga kasalukuyang isinasagawang proyekto ukol sa transportasyon lalo ang mga nakahanay na proyekto.

Ani Dizon, iisa ang nais ng lahat at ito ay pabilisin at ayusin upang maging ligtas ang transport system sa bansa.

Dahil dito, aniya, mas higit na kailangang gumawa nang mas mahusay para lumikha ng dagdag na mga proyekto at hindi maaari ang salitang ‘puwede na’.

Magugunitang ang paghihirang kay Dizon ay inihayag ng Palasyo noong 13 Pebrero ng taong kasalukuyan kapalit ng noo’y DOTr Secretary Jaime Bautista.

Bago hinirang si Dizon na maging pinuno ng DOTr  ay nagsilbi siyang dating chief of staff ng yumaong si Senador Edgardo Angara, naging Pangulo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), at naging deputy chief implementer noon panahon ng pandemyang COVID-19 sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …