Wednesday , April 2 2025
P.9-B halaga ng luxury cars  nasakote ng CIIS-MICP sa Taguig City

P900-M luxury cars  nabisto ng CIIS-MICP sa Taguig auto shop

NAGKASA ng panibagong operasyon ang mga operatiba ng Customs Intelligence  and Investigation Service – Manila  International Container Port (CIIS- MICP ) sa isang auto shop sa Taguig City, nitong Miyerkoles kung saan nakompiska nila ang may P900 milyong  halaga ng  hinihinalang smuggled  luxury cars.

Ayon kay CIIS Director Verne Enciso, natagpuan ang 44 hinihinalang smuggled luxury cars sa bodega ng Auto Vault Speed Shop na matatagpuan sa  Levi  Mariano  Avenue, Brgy. Ususan, Taguig City.

Ito ang pangatlong raid na isinagawa ng grupo  ng Customs Intelligence Service (CIIS) sa pamumuno ni Enciso matapos makompirmang nagbebenta ang auto shop ng  mga luxury vehicles.

Nauna nang nagsagawa ng sunod-sunod  na  operasyon ang operatiba ng Bureau of Customs sa mga   lungsod ng Parañaque, Pasay, at Makati.

Matapos maghain ang CIIS – MICP ng Letter of Authority (LOA) tumambad sa  grupo ang  iba’t ibang uri ng luxury cars na kinabibilangan ng  dalawang Ferrari 888, dalawang  Mercedes Benz C class, at tig-iisang unit ng  Maclaren 720S,  Rolls Royce Cullinan, Maserati Levante, Lamborghini Huracan, BMW M3, Dodge Ram, Ferrari 488, Ford Everest, Ford Mustang, GMC  Yukon Denali, Honda Civic SIR, Honda S2000, BMW M2, , Land Rover  Range  Rover Autobiography, Lexus  LBX, Lexus LX 570, BMW 14, Mazda Miata,  Audi A1, Mercedes Benz  AMG SLK, Mercedes Benz G Wagon Brabus, Mercedes Benz G63, Mercedes Benz GLE 450, Mitsubishi Lancer, Porsche 911 Turbo, Porsche 997 Carrera, Porsche 993 Turbo, Porsche 911 Turbo , Porsche Cayenne, Porsche  Cayman, Porsche GT3, Porsche GT3 RS, Porsche GT3 Touring, Porsche  Turbo, Toyota Sequoia,Toyota Corolla  Cross, Toyota Land Cruiser Prado, at Toyota Land Cruiser  VXR.

Aalamin ang eksaktong modelo at iba pang kaukulang detalye ng mga luxury vehicles sa isasagawang pinal na imbentaryo ng mga  nakatalagang  Customs examiners sa harap ng mga tetestigong CIIS, EES, Philippine Coast Guard (PCG), barangay officials, at ang may-ari ng warehouse.

Bibigyan ng 15 araw na palugit ang may-ari upang magsumite ng mga kaukulang papeles na magpapatunay na nakapagbayad sila ng tamang duties and taxes sa gobyerno.

Sasampahan ang may-ari ng kasong Violation  of Sections  1400  at 1401 in relation to  Section 1113 of Republic Act 10863 o  ang Customs Modernization Tariff Act (CMTA) kapag walang naipakitang mga  tamang dokumento.

Pinuri ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner  Bien Rubio ang  magkakasunod na operasyon na isinagawa  ng CIIS-MCIP na pinamumunuan nina Director Verne Enciso at ni Chief Alvin Enciso.

“The BOC intelligence unit has always been on heightened alert against  smuggling  operations that led to already billions worth of smuggled  luxury cars that these unscrupulous  individuals,

organizations and underground businesses have carried to our shores,” ayon kay Rubio.

Patuloy na paiigting ng BoC ang kanilang operasyon upang labanan ang iba’t ibang uri ng smuggling activities sa bansa. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …