Thursday , March 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mananambal Nora Aunor

Noranians paghandaan block screenings ng pelikula kaysa mag-ingay

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

Sa pag-iingay ng mga tagahanga ni Nora Aunor, lalo lang nilang ipinakikitang ‘has been’ na nga ang idol nila.

Ang reference kasi nila lagi ng kasikatan ay ang old movies na nagawa nito at ang sinasabi nilang best actress wins from five continents (sana ginawa na nilang pito para kompleto) plus her NA. Nakaaawa na sila pero nakaiinis naman kapag nagyayabang.

Again, mga tagahanga ni Nora ang pinag-uusapan dito ha na mukhang hindi na talaga nasasaway ni bulilit.

Dahil ipalalabas na ang Mananambal movie na two years ago pa yatang natapos, may mga panawagan ang fans ni ate Guy sa mga young cast member nitong sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Edgar Allan Guzman na gamitin ng mga ito ang lakas ng socmed accounts nila.

Dapat daw na ipagmalaki nila ang movie dahil nakatrabaho nila ang kanilang superstar, etc, etc..

Ang sa amin lang naman, kung may mga ganyang panawagan at pag-iingay, dapat na i-translate nila iyan sa pag-organisa ng mga block screening, paglikom ng pondo para kapag showing date na ay may pambayad sila ng paulit-ulit at makakukuha ng positive feedback o word of mouth ang madla.

Remember, hindi na first day last day ang labanan ng mga nangingitlog sa takilya sa panahong ito kundi, first screening hour, last screening hour na.

At dahil bihira na ngang makagawa ng movie si Nora, ‘yung fans niya ay minsan na rin lang gagastos ng pampanood kaya support na. Malay ninyo, makarating na sa pitong continents ang pagka-aktres niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Mhack Morales

Mhack Morales nakaranas ng dagok sa buhay

I-FLEXni Jun Nardo HOPING for the best ang producer-manager na si Lito de Guzman sa magiging resulta …

Joseph Marco Rhen Escano My Boyfriend Is A Mafia Boss

Rhen ibinuking si Joseph, ilang eksena ginagawang makatotohanan 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang kiligin ng bidang aktres ng Viva One series na My Husband is a …

marriage wedding ring

Celeb nairita sa nanggakang content creators sa kanilang kasal ng non-showbiz wife

I-FLEXni Jun Nardo DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang …

Wency Cornejo certified chef

Wency Cornejo certified chef na 

HARD TALKni Pilar Mateo KAPAG sumasapit na ang panahon ng Semana Santa, naaalala ko ang …

Kusinerang Bulag Iloilo

Jean Garcia bida sa pelikulang kinunan sa Iloilo Public Market 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SENTRO ng atensyon ngayon ang Iloilo Terminal Public Market matapos mapili …