Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jean Saburit

Jean ‘di pabor pagsamahin babae at transgender sa isang beauty pageant

RATED R
ni Rommel Gonzales

DATING beauty queen si Jean Saburit, (Binibining Pilipinas-Young 1975)  kaya tinanong namin kung ano ang opinyon niya sa ilang beauty pageants ngayon na pinapayagang sumali ang mga may asawa at anak, transgender women, at may edad na.

I’m against it. They can have their own. I’m not, you know, natutuwa nga ako sa mga…nanoood nga ako ng mga Miss Gay, nagiging judge ako ng Miss Gay Philippines eh.”

Pero hindi siya pabor na pagsamahin sa iisang pageant ang mga tunay na babae at transgender o transsexual.

Kasi maiiba ‘yung category.

“Dapat may kanya-kanya silang pageant. They should have their own.

“I don’t mind supporting them, I mean you know, but then, hindi naman ‘yung paghaluin kasi parang nakaka…paano iyan, ‘di ba?”

Gumaganap si Jean sa Prinsesa Ng City Jail bilang si Sonya.

Bida sa GMA Afternoon Prime series ang Sparkle loveteam na sina Sofia Pablo bilang Princess at Allen Ansay bilang Xavier.

Nasa serye rin sina Dominic Ochoa bilang Raymond, Denise Laurel bilang Divina, at Beauty Gonzalez bilang Sharlene.

Kasama rin nila sina Ayen Munji-Laurel bilang Leilani, Keempee De Leon bilang Dado, Ina Feleo bilang Jenny, at sina Will Ashley bilang Onse, Radson Flores bilang Justin, Pauline Mendoza bilang Mimi, at Lauren King bilang Libby.

Ang Prinsesa Ng City Jail ay idinirehe ni Jerry Lopez Sineneng at napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. at abroad via GMA Pinoy TV. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …