Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM registration sa bansa.

Ginawa ng CICC ang pahayag, kasunod ng ikalawang anibersaryo ng implementasyon ng Republic Act No. 11934 o mas kilala bilang SIM Registration Act.

Ayon kay CICC Executive Director Alexander K. Ramos, inilabas niya ang naturang paalala bunsod ng patuloy na paglaganap ng mga hindi totoong  social media accounts na nag-aalok ng SIM card registration services para sa lahat ng networks kapalit ang maliit na halaga.

Babala ni Ramos, maaaring magamit ang mga personal na impormasyon sa oras na gumamit ng third party para iproseso ang kanilang SIM card registration.

Giit ng opisyal, madali lang ang proseso ng SIM card registration at hindi na kailangan pang iasa sa iba at huwag magpaloko sa mga nag-aalok ng kaparehong serbisyo.

Para sa may mga katanungan hinggil sa SIM registration  ay maaring tumawag sa Inter-Agency Response Center Hotline 1326. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Manila Hawkers

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher …

Palawan ProtekTODO Fire 99

ProtekTODO Fire 99 inilunsad ng Palawan para sa pamilyang Pinoy

INILUNSAD ng Palawan ProtekTODO, ang microinsurance arm ng Palawan Group of Companies, sa pakikipagtambalan sa …

911 Emergency Call

Sa tawag sa E911: 
3 suspek sa pamamaril, dakip agad

BUNGA ng mabilisang pagresponde ng Quezon City Police District (QCPD) sa sumbong mula sa Emergency …

QCPD Quezon City

Mahigpit na batas vs “repeat offenders” isinusulong ng QCPD

DAHIL sa “repeat offenders” o paulit-ulit na gumagawa ng krimen ang kadalasang naaaresto at nakalalabas …

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …