Monday , August 11 2025
Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi pa riyan kasali ang mga TF ng mga bidang sina bosing Vic Sotto at Piolo Pascual at iba pang kasama nila.

Opening scene pa lang  sa eksena sa karagatan na may bangka at higanteng barko, mapapa-wow! ka na.

Tapos ‘yung kakaibang accent niyong nag-i-interview sa karakter ni bosing Vic, very imported ang awrahan hahaha! The costumes, props, pati mga tattoo sa katawan ng mga bida sinagot ni direk Mike Tuviera 

sa naging tanong namin sa eksenang ini-execute ang isang kriminal kasama ang anak nito. 

Tanong namin, “direk bakit ang daming bumaril sa firing squad kasama na ang haring si bosing Vic, pero bakit dalawang tama ng bala lang ang na-register sa katawan?”

Sagot ni direk, “ganoon talaga noong araw kapag may firing squad. May mga blank bullet para hindi ma-determine kung aling baril ang nakapatay to sort of lessen the human guilt.”

O ‘di ba, ang daming katulad na very interesting points ang movie at marami ka talagang makukuhang sagot sa, “what ifs” questions if ever nga walang mga dayuhan na sumakop sa bansa natin.

Iyan ang premise ng The Kingdom na nakae-excite aside from those mentioned production, cinematography and locations at pati ang mga kakaibang salita o language/dialect na ginamit sa movie based on historical accounts.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MTRCB

MTRCB nakapagribyu ng mahigit 11,000 materyal nitong Hulyo 2025

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALINSUNOD sa mandatong itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang …

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri 2

Kyle pressured sa pag-entra sa loveteam nina JC at Bela

NAG-HIT ang pelikulang minahal ng mga manonood, ang 100 Tula Para Kay Stella. Makalipas ang walong …

Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid at Bea haharapin halimaw ng mga sarili

INIHAHANDOG  ng Viva Films at Evolve Studios ang pinakaunang full-length film ni Nikolas Red, kasama ang kapatid na si Mikhail Red bilang creative …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …