Thursday , June 4 2026
Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEX
ni Jun Nardo

BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa ang break up sa aktor para mag-quit sa trabaho.

“Pero nanaig pa rin ang kagustuhan ko sa ginagawa ko. Bata pa lang, ang trabahong ito na ang gusto kong gawin.

“Hindi ako nagpatalo. Lumaban ako at heto  nakagawa ng pelikula na nagmarka sa manonood at sa international awards,” rebelasyon ni Heaven noong mag-guest siya sa Marites University na ang tinutukoy ay ang movie niyang Nanahimik Ang Gabi.

Ngayon nga eh nakakatrabaho pa Nina ang ex-boyfriend. Pero trabaho para kay Heaven ang pagtanggap niya sa project.

In love ngayon si Heaven at sa Instagram ini-reveal niyang si Marco Gallo ang boyfriend na nakapareha niya sa ilang university series tulad ng Raining In Espana, Safe Skies, Archer, Ship Show, at Men Are From QC, Women Are From Alabang.

May aabangang movie kay Heaven at ito ay ang Lilim under Mikhail Red.

This Christmas, hiwalay muna si Heaven kay Marco na sa Italy magdaraos ng holidays with his family.

Abangan ninyo ang kabuuan ng interview ng Marites University kay Heaven.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …