Monday , January 6 2025
Honey Lacuna Yul Servo Nieto Manila Seal of Good Local Governance SGLG

Mayor Honey, muling gumawa ng kauna-unahang record sa kasaysayan ng Maynila

MULI na namang gumawa si Manila Mayor Honey Lacuna ng kauna-unahang record sa kasaysayan ng lungsod at ito ay hindi kailanman nagawa ng mga dating alkalde ng kabiserang lungsod ng bansa.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng  Maynila, ang lokal na pamahalaan nito sa ilalim ng administrasyon ng city’s first lady mayor, Honey Lacuna, ay ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ang highly-prestigious seal, na iginawad sa Manila city government ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Lunes, 9 Disyembre 2024 sa makasaysayang Manila Hotel, ay personal na tinanggap nina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo. 

Ang mga hepe ng lahat ng departamento sa pangunguna ni City Administrator Bernie Ang, ay naroon upang makipagdiwang kay Lacuna.

Ang SGLG ay sumisimbulo sa dedikasyon at  kahusayan ng Manila LGU sa ilalim ng pamamahala ni  Lacuna, sa pagtataguyod ng good local governance na may umiiral  na transparency, integrity, at excellent delivery of services sa lahat ng nasasakupan nito.

Gaya nang dati, hindi inangkin ni Lacuna ang kredito sa nasabing karangalan, sa halip ay pinasalamatan niya ang lahat ng city officials at mga kawani. Ang kanilang mga tulong at dedikasyon ay nagresulta sa pagkakagawad ng SGLG sa lungsod.

Pinasalamatan din ni Lacuna ang mga residente ng Maynila sa kanilang pakikipagtulungan at suporta.

“Hindi natin makakamit ang SGLG nang ako lamang mag-isa. Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng aking kasamahang nagtatrabaho sa pamahalaang-lungsod ng Maynila. 

Sa sama-sama nating pagsisikap, walang imposible,” saad nito.

Idinagdag ni Lacuna: “Para sa inyo ito, mga mahal kong Manilenyo. Makaaasa ang mga taga-Maynila na patuloy kaming maglilingkod nang tapat at totoo at patuloy naming sisinupin ang pondo ng Maynila para sa kanilang kapakinabangan at higit sa lahat, hinding-hindi kami mang-iiwan.”

Ang SGLG ay institutionalized, recognition-based program para sa napakahusay na pamamahala ng mga LGU.  Ang mga awardees ay tatanggap ng SGLG marker at SGLG Incentive Fund para pondohan ang local development initiatives at higit pang magsusulong  ng national goals and strategic thrusts.

Para maging awardee, ang LGUs ay dapat pumasa sa set of governance areas, kabilang na ang financial administration and sustainability; disaster preparedness; social protection and sensitivity; health compliance and responsiveness; sustainable education; business-friendliness and competitiveness; safety, peace and order; environmental management; tourism and public safety. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …