Tuesday , January 7 2025
Sentidrama Padayon Blvck Music Louie Cristobal Grace Cristobal

Sentidrama at Padayon inilunsad ng Blvck Music

IPINAKILALA ng Blvck Entertainment Production, Inc. at Blvck Music ang dalawang bagong OPM bands na tiyak na tatatak sa ating mga puso dahil sa kanilang orihinal na “Hugot love songs.” Ang tinutukoy namin ay ang Sentidrama at Padayon

Nakuha ng Sentidrama at Padayon ang simpatya at tiwala ng mag-asawang inhinyero na sina Louie at Grace Cristobal dahil ang kanilang musika aty tiyak na idaragdag sa playlists ng mga Gen Z.

Ilalabas na ng Sentidrama, ang bandang nagmula sa Tarlac, ang kanilang self-titled digital album sa ilalim ng BIvck Music. Ang Sentidrama ay binubuo nina Mac Concepcion (Vocals), Paul Tagarro(Bass), John Ramil (Guitar), Jake Puno (Drums), at Lenogz Espelico (2nd Guitar). 

Lahat ng miyembro ay mahilig tumugtog kaya iyon ang nagbunsod para mabuo ang banda at makabuo ng magagandang musika. Gaya ng ipinahihiwatig ng kanilang pangalan na “sentimental” at “dramatic” ang kanilang musika ay tiyak na tatatak sa damdamin ng tao. Taong 2021,  nang ilabas nila ang awiting Liham na ginawang tema ng GMA FantaSeries, ang Heirs of the Night. Pinamagatang Pagtinginnaman ang kanilang carrier single, isang awit na nagsasabi tungkol sa pananabik ng isang tao para sa atensyon ng minamahal. 

Kasama rin sa album ang mga awiting Ulap, Dating Ikaw, Sa Aking Tabi, Sana Ika’y Bumalik, Humawak Ka Lang, Kahapong Nagdaan, Labis, at Pighati. 

Ang isa pang banda na nasa pangangalaga rin ng Blvck Music ay ang Padayon. Sa binubuong self-titled digital album, nangangako ang grupo na magbabahagi sila ng mga bagong kanta na tiyak na makaaantig sa mga puso. 

Ang Padayon ay mga Leyteno na aktibo sa kanilang lokalidad. Nagkaroon sila ng  pagkakataong ilabas ang kanilang orihinal na musika noong 2012 sa ilalim ng isang music label, na nang mag-expire ang kontrata ng ilan sa mga miyembro ay umalis at naghanap ng iba pang karera. Nanatili ang mga natitirang miyembro at ipinagpatuloy ang pangarap na makapaglabas ng album, kaya nabuo ang bagong pangalan na  Padayon na ang ibig sabihin ay magpatuloy at magtiyaga. 

Binubuo ang Padayon nina Caloy Sablawon (Vocals), Xilon Daep (2nd Guitar), Robs Renomeron(Drums), at Trix Rubenecia (Bass). Ang carrier single ng banda ay Kahit Na Sandali na ukol sa kagustuhan ng persona na makasama ang isang mahal sa buhay na nawala sa kanya at walang malinaw na pagtatapos. 

Kasama sa album ang Sa Aking Alaala, Dinggin Mo Sana, Ligaw Tingin, at  Hadlang. 

Ilalabas ang mga digital album ng Sentidrama at Padayon sa mga music streaming platform ngayong Disyembre. Samantalang mapapanood sa YouTube ang Pagtingin  music video ng Sentidrama na idinirehe ni Edrex Sanchez

Malapit na ring mapapanood sa YouTube ang Kahit Na Sandali music video ng Padayon, na idinirehe rin ni Edrex. 

Lahat ng content na ginawa para sa Sentidrama at Padayon ay ginawang posible ng Alkaviva Waters Philippines, GLC Infinite Waters International Co., Grace Electronics Philippines, Blue Green Dragon Marketing, LG Realty Development, at Blvck Creatives Studio. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Anjo Pertierra Mang Tani

Anjo idol si Mang Tani, minsang nagka-trauma sa bagyo

RATED Rni Rommel Gonzales MAHIRAP ang obligasyon ni Anjo Pertierra na weather reporter ng Unang …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Richard Somes Topakk

Sylvia espesyal FPJ Memorial Award sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KAUSAP namin ang aktres at mega-producer na si Sylvia Sanchez bisperas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …