Geneva Cruz

MATABIL
ni John Fontanilla

DUMAYO ng Mindanao si Geneva Cruz na isang reservist para makibahagi sa  clean-up drive ng Philippine Air Force.

Nag-post ito ng mga larawan sa kanyang Instagram na kuha sa Patikul, Jolo, Sulu na may caption na, “Coastal Clean Up Drive activity, Quezon Beach, Patikul, Sulu, Philippines with the @philairforce.”

Bukod sa mga ipinost sa kanyang IG ng mga larawan, ibinahagi rin nito ang video ng paglilinis ng kanyang team sa mala-Boracay na Quezon Beach.