Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rated SPG, ngayong Sabado na sa Zirkoh Bar

101713 SPG

SA mga inaabot nating  bagyo, baha, lindol, importante rin na kahit sandali ay mapawi ang lungkot at mawala ang stress.Kaya naman sa Sabado ay mabubusog sa walang humpay na  tawanan at kasiyahan.

Dapat munang mag-relax at makalimutan ang problema dahil sa natatanging comedy show ng Zikroh, Tomas Morato sa Sabado na  Rated SPG (SOBRANG PATAWA at GALING SA KOMEDYA) Octoberbest na pangungunahan nina Gladys Guevarra, Tuesday Vargas, Ate Gay, Joy Viado, Roy & Ver (D’ Pak-Yaw Duet, parang Jose at Wally ang peg).

Yes. Habang pansamantalang namamahinga ang tandem nina Jose at Wally, susubukan naman ang D’ Pak-Yaw Duet kung mapapantayan nila ang komedya ng crowd ng Zirkoh.

“Malaki ang paghanga namin kina Jose at Wally. Idol namin sila. Ayaw naming intrigahin na  nakikipag-kompetensiya kami sa kanila. Malayo na ang narating nila. Basta nandito lang kami para magpasaya ng tao,” sambit ng potensiyal na singing-comedy duo.

Nariyan din ang pampakilig na Mr. Pogi Grand Winner ng Eat Bulaga na si John Edric Ulang at ang 1:43 sa hit song na Sa Isang Sulyap Mo at nanalong Song of The Year sa katatapos lang na PMPC Star AWARDS for Music. Tampok din ang tinaguriang Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala, ang comebacking singer na si Tyrone Oneza. Maghahandog din ng awitin sina Martina Ona, Nathan Francisco, Cherryz Mendoza, at Engr. Roweo Tecson.

Mabibili ang tikets sa Zirkoh Bar Tomas Morato at tumawag sa 09176265310 para sa ibang detalye. Ito ay sa direksiyon ni Leklek Tumalad.

Kita-kits!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …