Wednesday , December 4 2024
CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho at pagdagsa ng foreign investors sa bansa ang paglagda ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Law nitong 11 Nobyembre 2024.

“All our kababayan need is just a helping hand. This is about bringing authentic and compassionate change among our people – one that truly lifts them from cyclic and oppressive poverty,” wika ni Senador Alan.

Ani Senador Pia Cayetano, dating tagapangulo ng Senate committee on ways and means, nagpapasalamat siya dahil maraming trabaho ang malilikha para sa mga Filipino.

Si Senator Pia ang nag-sponsor ng orihinal na CREATE Law noong 18th Congress, na naglalayong tulungan ang mga negosyo na makabangon mula sa matinding epekto ng pandemya.

Lubhang nakatulong ang CREATE Law sa pagbabawas ng corporate income tax mula 30 hanggang 25 porsiyento. Pinarangalan din ito bilang isang transformative reform pagkatapos ng 25 taon sa modernisasyon ng sistema ng buwis at mga financial incentive upang mapalakas ang mga negosyo at makaakit ng mga pamumuhunan.

Ang CREATE MORE Law ay nilikha upang palakasin ang batas at iayon ito sa mga layunin sa paglikha ng trabaho. Isa sa mga hinugot ng bagong batas ay ang pag-streamline ng proseso ng pag-aproba para sa mga pamumuhunan sa pamamagitan ng pagtataas ng capital threshold para sa Investment Promotion Agencies mula P1 bilyon hanggang P15 bilyon.

Ang pagbabagong ito ay nangangahulugan na ang mga proyektong lampas sa P15 bilyon ang kailangang suriin ng Fiscal Incentives Review Board.

Ipinasok din ng CREATE MORE Law ang ilang pagbabago sa buwis, kabilang ang mga pagbubukod sa VAT para sa mga serbisyo tulad ng janitorial, security, financial consulting, marketing at human resources.

Binigyang diin ni Senador Alan, naghain ng mga panukalang batas sa 19th Congress na nakatuon sa presyo, trabaho, at kita, ang pangangailangang mamuhunan sa agrikultura, pagsulong ng turismo, at pasiglahin ang paglago ng industriya upang itaguyod ang pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya.

“These sectors would provide long-term financial benefits for the country and positively contribute to the well-being of Filipinos,” aniya.

Matagal nang nagsusumikap ang mga Cayetano para sa mas maraming investment sa bansa, habang itinutulak ang mga solusyon sa matitinding isyu tulad ng mababang sahod, inflation, at pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

Dagdag rito, inilunsad ng mga senador ang programang PTK (Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan) noong 2013, na naglalayong mabigyan ang mga Filipino ng madaling access sa kapital sa pamamagitan ng mga pautang na mababa ang interes upang matiyak na mas maayos ang kanilang kabuhayan.

“These need both short-term and long-term solutions,” diin ni Senador Alan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …