Thursday , December 26 2024
Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPAT
ni Mat Vicencio

HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang si Ferdinand Marcos, Sr., matapos na harap-harapang babuyin at bastusin ni Vice President Sara Duterte.

         Sino ba naman ang matinong taong hindi papalag sa sinabi ni Sara? “Isang beses sinabihan ko talaga si Sen. Imee, sabi ko pag ‘di kayo tumigil, huhukayin ko ‘yang tatay n’yo, itatapon ko s’ya sa West Philippine Sea,” pahayag ni Sara sa isang press conference.

Pero ang nakapagtataka ay hindi umalma si Imee sa ginawang pampapababoy ni Sara. Tuluyang nanahimik at pinabayaan ng senadora na lapastanganin ang namayapang amang si Marcos Sr.

Mali na ikatuwirang sinagot na ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc ang pambabalahura sa bangkay ni Marcos Sr., dahil bilang anak at mismong pinasaringan ni Sara, si Imee ang dapat na sumagot at kumompronta sa ginawa ng kanyang best friend.

Ang problema kay Imee, laging ‘playing safe’ at ‘namamangka sa dalawang ilog’ at takot na masaling o mabangga ang sino mang makapangyarihang personalidad o grupo dahil baka madiskaril ang kanyang kandidatura sa 2025 senatorial race.

Ang hindi alam ni Imee, napakaraming Ilokano at mga loyalista ang galit na galit ngayon sa kanya dahil ‘tinabla’ ng senadora ang sariling ama sa kabila ng pambabastos ni Sara.

Hindi rin alam ni Imee na bilang mga Kristiyano, ang salitang respeto sa namayapa ay sagrado at kailanman hindi kinakailangang lapastanganin tulad nang ginawa ni Sara kay Marcos, Sr.

Nagkamali si Imee sa kanyang diskarte dahil sa kasalukuyan marami ang nagsasabing naglaho na ang ‘Duterte magic’ at ang inaasahan niyang botong manggagaling kay Sara ay hindi na mangyayari.

Bukod pa ang usaping matagal nang bistado ng kampo ni Sara na ginagamit lang ang kanilang pagkakaibigan para sa kandidatura ng senadora.

Kaya nga, halos bumalentong ako nang makita ko ang post ni Imee sa kanyang facebook na nakaluhod sa harap ng puntod ng kanyang ama nitong nakaraang Undas. Diyos ko po… ang plastttiiikkk!!!

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …