I-FLEX
ni Jun Nardo
SUMAKAY na rin ang aktres na si Kathryn Bernardo sa doll craze nang idispley niya sa kanyang Instagram ang dalawang Zimomo dolls na binigyan pa niya ng tawag, huh!
Ang tawag ni Kath sa isa ay, “Angel in the clouds” habang ang isa naman ay, “I found you.’”
Mas malaki nga lang ang Zimomo kompara sa naunang nauso na Labubu dolls. Kumbaga, ang Zimomo ang nanay at ang Labubu ang anak.
Naku, mamahalin ang presyo ng Zimomo na ayon sa nakita namin sa Google ay almost P20K, huh
Of course bukod kay Kath, nahuhumalin din si Marian Rivera sa Labubu dolls at iba pang celebrities.