I-FLEX
ni Jun Nardo
IPAGPAPATULOY ng aspirant for Manila Mayor na si Sam Versoza ang pagdayo sa mga barangay sa Tondo para maghatid ng tulong sa nangangailangan.
Eh sa tuwing dumarayo si SV sa malalaking lugar gaya ng Smokey Montain at Baseco Community, nagkakaroon ng aberya bago masimulan ang pamimigay niya.
Gaya noong pumunta si Sam sa Baseco, nagkaroon muli ng aberya sa mga taong kinausap ng kanyang staff para sa permits.
“Gusto ko lang naman ipadama sa kanila ang tulong na dapat eh para sa kanila talaga. Malinis naman ang intensiyon ko.
“Basta ang sa akin, kahit pigilan nila ako, magpapatuloy pa rin ako sa ginagawa ko,” pahayag ni Sam na may mas malaking payanig sa Manila bago sumapit ang Pasko!