SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold Sari-sari Store MassKaravan at Concert sa Bacolod. Ang pagdiriwang na ito ay dinala mismo ng Puregold sa MassKara Festival na idinaraos taon-taon at dinarayo ng libo-libong mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mahigit-150,000 ang dumalo para makisaya sa Puregold at sa mga bigating musikerong bisita.
Mas pinatingkad ng Puregold Sari-sari Store MassKaravan ang mga kulay at maligayang awra sa taunang pista. Ipinagdiwang sa Bacolod City Government Center, naengganyong dumalo ang mga loyalistang miyembro ng Puregold at mga tagasubaybay ng lokal na musika, na pumunta sa konsiyerto upang mapanood ang mahusay na ritmo nina Skusta at Flow G, at ang sayaw at harmonya ng SB19. Natunghayan din ng mga nanood ang pagtatanghal ng mga nagbukas ng konsiyerto, sina Project Juan at Esay.
“Malayo na ang naihakbang ng Puregold sa layunin nitong itampok ang boses ng mga talento sa lokal na eksena,” pagbabahagi ng Presidente ng Puregold na si Vincent Co.
“Masaya kaming dalhin ang mga talentong ito sa isa sa mga kabigha-bighaning pista ng ating bansa, ang MassKara sa Bacolod. Nagpapasalamat kami sa mga dumayo para makisaya sa konsiyerto.”
Kitang-kita sa mga tagapanood ang kanilang pagkamangha at saya sa panonood ng kanilang mga paboritong musikero sa Bacolod City Government Center. Halimbawa, ang mga A’TIN Na sina Charizat Katrina ay napuno ng ligaya dahil nakita ang kanilang mga iniidolo.
Ani Chariz, wala siyang personal na “bias” dahil “lahat po idol ng anak ko!” Si Katrina naman, nagpadala ng espesyal na mensahe sa bias niyang si Stell, “Good luck at good job! Sana ay mas umunlad ka pa bilang indibidwal, at kayo rin bilang isang grupo.”
Labis namang nasabik ang mga fan gaya ni Apple na nakita ang bigatin sa rap na si Flow G. Malinaw na malaki ang impact ni Flow G kay Apple nang ipinagmamalaki niyang isigaw ang “Idol! Nakaka-inspire!”
Habang bukas sa publiko ang konsiyerto, may bentahe ang mga miyembro ng Puregold sa kapana-panabik na kaganapan. Mayroong mga VIP at VVIP na tiket na ibinenta sa mga piling Puregold store sa Bacolod at Iloilo noong Oktubre 5, na paraan ng Puregold na pasalamatan ang mga araw-araw na suki at mabigyan sila ng magandang karanasan sa konsiyerto.
Dagdag pa rito, marami ring masuwerteng nanalo ng mga VIP pass na ipinamigay ng mga partner brand ng Puregold, na mayroong mga booth sa pinagdausan ng konsiyerto. Marami ring mga giveway ang nag-abang sa Perks at Aling Puring members. Ang unang 2,000 na nagrehistro sa konsiyerto ay nakapag-uwi ng libreng loot bag na naglalaman ng mga grocery items na nagkakahalagang P300.
Sa masayang musika, mga giveaway at promo, naramdaman talaga ng mga dumalo sa Puregold Sari-Sari Store MassKaravan at Concert ang selebrasong Pinoy. Ang mga kuwentong panalo ng mga musikero, mga tagasubaybay, at ang Puregold mismo ay nagsama-sama at lumikha ng gabing maalala ng lahat.