Thursday , November 21 2024
Math Science Teacher Student

Insentibo sa pribadong sektor isinusulong para sa masiglang pakikilahok sa pampublikong edukasyon

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang isang panukalang batas na magbibigay ng insentibo sa pribadong sektor sa kanilang tulong sa pagpapaunlad ng pampublikong sistema ng edukasyon sa bansa.

Inamyendahan ng Adopt-a-School Act of 2024 (Senate Bill No. 2731) ang Adopt-a-School Act of 1998 (Republic Act No. 8525) upang paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at mga industriya sa bansa, lalo pagdating sa pagbibigay ng trabaho sa mga senior high school graduates.

Kasama ni Gatchalian si dating Senador at ngayo’y Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara sa paghahain ng naturang panukalang batas.

“Sa pag-angat natin sa kalidad ng edukasyon ng bansa, mahalagang katuwang natin ang pribadong sektor. Kasama ang ating Kalihim ng Edukasyon, isinusulong nating palawakin at patatagin ang Adopt-a-School program upang mahikayat ang pribadong sektor na tulungan ang ating mga pampublikong paaralan,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate committee on basic education.

Ang panukalang batas ay nagmumungkahi ng dagdag na kaltas katumbas ng 50% gastos sa labor training para sa scholarships sa mga guro at skills development ng mga enterprise-based trainees batay sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act o ang CREATE Law (Republic Act No. 11534).

Batay sa nilalaman ng panukalang batas, mayroon pang dagdag na kaltas na katumbas ng 20% ng mga sahod ng SHS graduates na bibigyan ng trabaho. Hindi naman papatawan ng customs duties, value-added tax, excise tax, donor’s tax, at iba pang mga buwis ang mga donasyon sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng Adopt-a-School Program.

Sa ilalim ng naturang panukala, papayagan sa ilalim ng Adopt-a-School program ang Filipino o dayuhang indibiduwal o organisasyon na tumulong sa mga pampublikong paaralan sa early childhood, elementary, high school, technical-vocational, Alternative Learning System (ALS), at mga kolehiyo.

Bibigyang prayoridad ang mga paaralan sa fourth and fifth class municipalities at mga local government units (LGUs) na may mataas na kakulangan sa pondo, gamit, at may mataas na bilang ng mga high-performing pero nangangailangang mga mag-aaral.

Sa ilalim ng Adopt-a-School program, maaaring tumulong ang pribadong sektor sa mga sumusunod: training para sa mga teachers at school heads; scholarships para sa mga guro; pagpapatayo ng mga pasilidad tulad ng mga aklatan, laboratoryo, at iyong mga may kinalaman sa koryente, tubig, at kalinisan; school supplies at iba pang gamit sa pagtuturo; technical vocational livelihood tools at equipment; health at nutrition packages; assistive devices at equipment para sa mga mag-aaral na may kapansanan; at iba pa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …